Mantra ni Chariz Solomon para dumami ang projects: 'Ako si Chariz Solomon: mura na, magaling pa'
Hindi man nanalo sa fourth season ng StarStruck, gumawa ng sariling niyang pangalan sa showbiz si Chariz Solomon na isa sa top comediennes ngayon ng Kapuso Network.
Sa podcast interview niya sa Punchline with Alex Calleja, binalikan ng Bubble Gang actress kung paano siya nagsimula noon bilang talent ng GMA.
Kuwento ng StarStruck 4 Avenger, “Sixteen years old ako sumali sa StarStruck, pero hindi ako masyado tumagal. Top 20 lang ako, tapos natanggal na ako agad.
“Tapos after that siguro, nagkaroon talaga ako ng magandang relationship with the staff, more than doon sa mga kasama kong aplikante.”
Ayon kay Chariz, ang maganda niya pakikisama sa mga staff sa show ang naging daan para mabigyan siya ng proyekto sa GMA-7.
Naalala ng Sparkle comedienne, “Mas naging ka-close ko 'yung mga staff, so siguro dahil nagkaroon kami ng relationship, mas nakita nila 'yung personality ko talaga na as a person, hindi as an artista.
“Hindi pa naman ako masyado ma-showbiz nun talaga, siyempre ano ba alam ko 'di ba?
“So sila siyempre, ang bawat staff ng isang show, madaming show yan. Nandun nareco-reco, narefer-refer. Tapos si Tatay Rommel Gacho, Direk Rommel Gacho, siya talaga 'yung isa sa mga naglo-lobby sa akin sa mga show.
“Pagkatapos nun, lima agad show ko. 'Yung iba regular guests ako, tapos parang nagkaroon ako ng tatlong regular shows, tapos from there nagtuloy-tuloy na.”
Natatawang hirit pa niya sa panayam niya kay Alex Calleja, “'Yung linya ko Sir Alex ever since talaga, 'Ako si Chariz Solomon: mura na, magaling pa."
Isa rin sa natalakay ni Chariz ay ang hit segment niya sa Bubble Gang na 'Balitang Ina' kung saan kasama niya ang BFF na si Valeen Montenegro.
Aminado ang Kapuso comedienne na noong una, hindi niya gets ang concept nito.
Paliwanag niya, “Nung sinimulan 'tong Balitang Ina, hindi ko siya ganun ka-gets, 'Bakit? Ano ito?'
“So, hindi ko pa na-gets 'yung comedy behind it, na okay, meron din kasing comedy na ano lang talaga, nakakatawa lang, kahit walang meaning. Tapos naalala ko dati, parang merong isa sa mga staff namin ang sabi, 'Pag minention n'yo 'yung pangalan, malutong.'
“Sabi ko, sa tingin ko mas maganda 'yung subtle, 'yung sweet. Kasi dapat ang intensyon mo in your heart is magbalita.”
SILIPIN ANG ILAN SA VIRAL BALITANG INA MEMES HERE: