Bubble Gang: 100 percent ang tawanan with Empoy!
Todo ang ibibigay naming tawanan ngayong Biyernes ng gabi dahil extra funny ang special guests natin this week!
Makakasama natin sa favorite n'yo na segment na 'Marites United' ang TikTok star na si Justine Luzares at walang patid ang LOL moments sa mga segment na 'Wushu' at 'What is the Meaning of this?'
Dapat n'yo rin abangan ang kuwelang sketches na: 'The Originals', 'Paunahan sa Jeep', at 'Mister na Pulubi' this Friday.
Tiyak na 100 percent ang tawanan with Michael V. and the whole Kababol barkada, dahil makikisaya rin sa atin si Empoy!
Kaya makitambay sa amin at manood ng Bubble Gang this coming July 22 sa oras na 9:40 p.m..
HETO NAMAN ANG ILAN SA SEXIEST PHOTOS NG MGA PABORITO N'YO NA BUBBLE GANG GIRLS SA GALLERY NA ITO: