Bubble Gang babes
Courtesy: Liezel Lopez (TikTok)
TV

'Bubble Gang' babes, hot na hot sa 'Workout x Love and War challenge' sa TikTok

By EJ Chua
Dance video ng ilang 'Bubble Gang' babes, kinagiliwan sa TikTok!

Ilang Bubble Gang stars ang kinagigiliwan ngayon sa TikTok dahil sa isang dance challenge.

Habang nasa taping ng Bubble Gang, hot na hot na sinayaw nina Faith Da Silva, Faye Lorenzo, Elle Villanueva, Arny Ross, at Liezel Lopez ang patok na Workout x Love and War challenge.

Suot ang kanilang casual outfits, sabay-sabay nilang ipinamalas ang kanilang sexy moves.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 176,000 views ang kanilang dance cover.

Ilang netizens naman ang nag-comment at pinangalanan ang kanilang mga iniidolo sa Bubble Gang girls na napanood sa video.

Bukod sa pagpapatawa sa harap ng telebisyon, mas nakikilala pa ang kanilang mga pangalan dahil sa kanilang modeling projects, dance covers, at viral stunning photos na matatagpuan sa kanilang respective social media accounts.

Samantala, tingnan ang hottest photos ng ilang Bubble Gang stars na certified beach babes sa gallery na ito:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.