New episodes ng 'Bubble Gang,' maghahatid ng inspirasyon
Kung miss na miss n'yo ang tawanan at kulitan sa Bubble Gang, puwes humanda sa new episodes ng flagship-comedy program ng Kapuso Network starting this August 21!
Sa ginanap na video conference with the entertainment press kung saan naka-chikahan sina Paolo Contis, Archie Alemania, Sef Cadayona, Valeen Montenegro at Lovely Abella, ibinida ng mga ito ang fresh episodes ng gag show na shinoot nila sa kani-kanilang tahanan.
Pero sinigurado ng buong creative at production team ng show na mananatili ang tatak Bubble na minahal niyo sa loob ng mahigit dalawang dekada sa episode nila this Friday night.
Sa naturang online interview, na inorganisa ng Corporate Communications Department, inusisa ng press ang kanilang lider at creative director na si Michael V. matapos ang laban nito sa COVID-19.
Kuwento ni Paolo Contis tungkol kay Bitoy, “Bitoy is okay, he is doing well, I think nasabi na naman niya na he is COVID-free and nagpapalakas na lang si Bitoy.”
Screenshots taken from the video conference with the Bubble Gang casts
Samantala, sinabi ng Senior Program Manager ng Bubble Gang na si Ms. Cecille de Guzman na hindi muna mapapanood si Michael V. sa new episodes ng gag show.
Pero dapat daw i-expect ng fans ng seasoned comedian na makakasama nila ito sa kanilang September airing.
Paliwanag ni Ms. Cecille, “Unfortunately not yet, our August airing... For August 21 and 28, unfortunately, he is not able to join us yet, kasi ito 'yung time I think when we were taping, kakaalam pa lang natin.
“We tried to move it nga, e, hoping that the test will come out negative.
"Unfortunately, a day before we taped the episodes, we found out that he tested positive.”
“Pero at the moment, he is already okay, he is preparing to tape with us hopefully for our September episodes nandoon na siya.”
Samantala, ramdam naman ang excitement kay Lovely Abella na muling humarap sa camera at magpatawa sa Bubble Gang.
Para sa kanya, isa itong paraan para matulungan ang mga Kababol na nakakaramdam ng anxiety ngayong may pandemic.
Wika ng dancer-turned-comedienne, “This time po mas na-inspire po kami talaga magpasaya kasi, siyempre po, lahat ngayon problemado, nade-depress, nagkaka-anxiety po because po of the situation.
“Kaya ito po 'yung isang way namin para matulungan sila para kahit papaano maibsan 'yung kalungkutan nila.”
Sinegundahan naman siya ni Valeen Montenegro, na hangad nilang maka-inspire sa bago nilang episodes.
“I wanted to add lang napanood ko din sa isa mga vlogs kasi ni Kuya Bitoy na laughter is the best medicine and it's true!
“It's cliché, pero it's true na parang 'yung mga fresh episodes namin kasi is very inspirational, kasi timing e, very situational din kasi 'yung mga ginagawa namin.
“So dapat abangan nila 'yung mga zoom gags namin”
Tutukan ang fresh na fresh na episode ng multi-awarded gag show na Bubble Gang this Friday, August 21, pagkatapos ng star-studded line-up ng GMA Telababad.
EXCLUSIVE: Betong Sumaya, naiyak nang malaman na tinamaan ng COVID-19 si Michael V