TV

Paano nabuo ang 'Balitang Ina' ng 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Mga mommies isa ka ba sa Pulutang Ina, Pautang Ina o 'di kaya Shotang Ina na natampok sa 'Bubble Gang' sketch na 'Balitang Ina?' Alamin kung paano nabuo ang hit show nina Mommy Vicky at Mommy Karen!

Swak na swak ang mga hirit ng mga proud ina na sina Mommy Vicky (Valeen Montenegro) at Mommy Karen (Chariz Solomon) sa patok na comedy sketch ng Bubble Gang na 'Balitang Ina.'

Kaya kung na-miss n'yo sila ngayon na may pandemic, isang special video ang ginawa nina Valeen at Chariz sa Instagram para sa inyong mga loyal na ina.

Sa naturang clip, sinabi ni Valeen na sobra na silang sabik na gawin muli ang karakters nina Mommy Vicky at Mommy Karen.

Dagdag pa ni Chariz, dapat daw ay magti-taping na sila for their 50th episode ng Balitang Ina.

Wika ni Valeen, “Kaya eto kung anu-ano ang naiisip naming puwedeng gawing content. So eto na nga since nami-miss namin mag-work lalong-lalo na 'yung Balitang Ina.

“Nag-compile ako ng mga Balitang Ina topics namin throughout the years,”

Nagbigay rin ng trivia si Chariz Solomon kung paano nabuo ang Balitang Ina na sinusulat ng kanilang writer na si Jay Sario.

Sino nga ba ang unang nakaisip nito at paano ito nabuo?

Sambit ni Chariz, “Ang nag-pitch nito, tama ba ako? Correct me if I'm wrong, ang nag-pitch nung idea when we were having dinner one time is RJ Padilla, bago siya mag-punta ng Australia noon.”

Bubble Gang: Nachos o giniling?

Bubble Gang: Boys ng 'Bubble Gang,' naisahan sa 'Ulo-Ulo Lang!'

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.