GMA Logo
What's on TV

Denise Barbacena, bilib sa impact ng 'Bubble Gang' sa mga manonood

By Aedrianne Acar
Published November 15, 2019 2:47 PM PHT
Updated December 23, 2019 3:17 PM PHT

Around GMA

Article Inside Page


Showbiz News



Denise Barbacena, natutuwa sa laki ng impact ng 'Bubble Gang' sa mga manonood nito.

Na-realize ng comedienne/singer na si Denise Barbacena na isang 'special opportunity' para sa tulad niya ang maging parte ng flagship gag show ng GMA-7 na Bubble Gang.

Denise Barbacena
Denise Barbacena

Sa panayam ng press kay Denise sa grand media conference ng gag show last week, ikinuwento niya na marami siyang name-meet na tao, both inside and outside showbiz, na curious kung ano ang pakiramdam na maging isang Kababol.

Wika niya, "Always grateful for the opportunity kasi sa lahat po ng nakakatrabaho kong artista sa labas ng Bubble Gang, lagi silang curious 'Ano 'yung feeling or paano kaya doon?'

"Being inside the community and working with the people na bumubuo doon parang mare-realize mo lang 'Oo nga nasa Bubble Gang ako.'"

Dagdag ng magaling na comedienne, "Tapos one time nag-tweet ako about a certain show, sabi ko 'I wonder how it feels to be part of that show?' parang sa Hollywood ganyan,

"Tapos parang may nag-tweet back sa akin 'we wonder how it feels to be part of a show like 'Bubble Gang'."

Doon mas naintindihan ni Denise kung gaano kalaki ang impact ng ginagawa nila sa Bubble Gang sa mga manonood.

"So, parang wow! Ganun pala 'yung impact ng show sa mga tao, sa audience namin. So lagi lang pong grateful ang humble sa opportunity na mayrun po."

'Bubble Gang' ladies, may mga pagkakataon bang nagiging 'uncomfortable' sa mga ginagawang eksena sa gag show?

LOOK: Meet the 'ScAvengers' of 'Bubble Gang'

LOOK: 'The ScAvengers' shoot with Yorme Isko Moreno