EXLCUSIVE: Chariz Solomon ready to share creative juices to 'Bubble Gang'
Determinado nang ipakita ng Kapuso comedienne na si Chariz Solomon ang iba pa niyang talento.
Sa pagkakataong ito, sa pagsusulat naman ng funny sketches at gags para sa longest-running gag show na Bubble Gang.
EXCLUSIVE: Chariz Solomon supports Kim Domingo's decision to drop sexy image
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Chariz sa taping ng Kapuso gag show today, February 4.
Ibinahagi ng StarStruck alumna ang dahilan kung bakit niya naisipan sumama sa brainstorming at magsulat ng script para ng multi-awarded gag show.
Kuwento ni Chariz, “Gusto ko lang talaga. Ini-encourage din ni Kuya Bitoy [Michael V.] kaming mga kasama niya sa Bubble Gang, kaming mga mini-mentor niya, na subukan namin.
“Kasi, nandito na kami mayroon kaming means, kumbaga, wala ka namang i-invest na time and effort.
“Oo mahirap ibigay 'yun ngayon kasi, siyempre, mayroon akong two kids, mayroon kaming business pero nagti-taping-taping.
“Pero, alam mo 'yun, sa free time mo lang na kesa nagti-text text ka lang o Instagram, Facebook, di ba.
“Since nakaka-isip kami ng ideas, bakit hindi namin gawan ng application.”
Tinuturing ng Kapuso actress na isang malaking opportunity ang mag-aral kasama ang creative team ng Bubble Gang at Pepito Manaloto, na sinabi niya na 'best-of-the best' pagdating sa comedy.
Wika niya, “Actually, before na-try ko mag sit-in pero sandali lang. Pero 'yung talagang nag-sit in ako for the whole duration of the meeting sa Bubble [Gang] 'tsaka sa Pepito [Manaloto], kami dalawa ni Mikoy [Morales].
“Nagsusulat din siya [Mikoy], hindi pa kami official part ng creative team para lang kaming nag-o-OJT, para kaming nag-aaral pero libre [and] with the best.”
DIARY OF MARJORIE
Malapit na mapanood ng mga Kapuso ang sariling sketch na sinulat mismo ni Chariz Solomon for Bubble Gang na “Diary of Marjorie”
Sa Instagram post ng magaling na comedienne, sinabi niyang isang “surreal” experience ang pagkakataon na ito na ibinigay sa kaniya ng show.
Pinuri din siya ng mga co-stars niya na sina Betong Sumaya at Valeen Montengro para sa kaniyang achievement.
Sino kaya ang naging inspirasyon ni Chariz sa sketch niya na “Dairy of Marjorie”?
Sagot ni Chariz, “'Yung pinaka-una kong script na pumasa ang pangalan ay 'Diary of Marjorie.'
“Mayroon dito, galing siya sa isang experience namin sa dati naming kasambahay na nakakatawa.
“Nasulat ko 'tong script na 'to, 'yung pinakaunang episode, last year pa nasa Sirkus taping.
“So, trinay ko lang, pero buong isang taon takot na takot ako [ipakita].
"Kinonsult ko siya kay Kuya Bitoy tapos ni-revise niya.”