LOOK: Betong Sumaya, sumali sa 'Amazing Race?'
Isang kakaibang birthday party ang naging sorpresa ng Bubble Gang para sa kasamahan nilang si Betong Sumaya.
#Amazing: 'Bubble Gang' stars greet Betong Sumaya on his birthday
Sa Instagram post ng comedian/TV host, ipinasilip niya ang hamon na ibinigay ng kaniyang Bubble Gang co-stars, na inspired ng reality TV show na Amazing Race.
Hindi naman nakalimutan ni Betong na magpasalamat kay Valeen Montenegro, na mismong 'mastermind' ng special surprise para sa kaniya.
Sabi ni Betong, βMeet the mastermind of #AmazingBetongRace, amazing thanks @valeentawak lab yu lab yu. At sa aking Bubble Gang family talagang kakaibang Bday celebration ito hehehe, lab yu all Di ko inaasahan na kahit tapos na ang Bday ko (Nov 21) ay di nyo pa rin ito nakalimutan at pinalagpas na icelebrate #TyPoLORD #Blessing #LORDPleaseBlessMyBubbleGangFamily.β
Produkto din ng isang reality TV show si Betong matapos manalo sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown taong 2011.