
Walang pagsidlan ng tuwa ang Kapuso comedian-dancer na si Sef Cadayona na ipinagdiriwang nila ngayong buwan ang 23rd anniversary ng longest-running gag show na Bubble Gang.
READ: Michael V, proud na maraming sumikat dahil sa 'Bubble Gang' academy
Sa one-on-one chikahan ni Sef sa GMANetwork.com, ikinatutuwa ni aktor na habang tumatagal ang Bubble Gang ay mas lalo nagiging close siya sa mga co-stars niya sa show.
Saad niya, “Every year we celebrate siyempre anniversary very fortunate na bukod sa patagal na patagal 'yung Bubble Gang eh padami kami nang padami.
“Tsaka lalong pa-close nang pa-close to a complete family.”
Maraming nagsasabi na sumusunod si Sef Cadayona sa yapak ng Kapuso comedy genius na si Michael V.
Matatandaan na nasungkit ni Sef ang award for Outstanding Supporting Actor in a Gag/ Comedy Program sa Golden Screen TV Awards noong 2014 at 2015.
Aminado si Sef na tumataba ang kaniyang puso sa tuwing nakakabasa o nakakarinig siya ng mga positive comments tungkol sa kaniyang talento.
Wika niya, “Siyempre nakaka-flatter parang sa akin kasi wala naman magiging katulad ng isang tao eh. Tsaka I respect Kuya Bitoy's talent so much, honored na nakikita nila ako na ganun. But at the same time siyempre I'm also finding myself kung ano ba talaga 'yung maco-contribute ko in the years to come.”
Ibinahagi din ni Sef kung bakit naisipan ng Bubble Gang na ibalik ang hit segment nila ni Bitoy na 'Ikaw at ang Ina,' kung saan gumaganap sila bilang mag-ina na sina Yna at Selphie.
“I guess nasa timing 'yun siyempre di ba may mga times na 'Oh hanggang dito muna tayo' tapos may times na kailangan na uli nila makita ito.
"Tapos we were very happy lalo na nung first take 'yung 'Ikaw at ang Ina,' kasi siyempre parang refreshing. 'Uy natransform uli ako na cute na babae' [laughs].”