WATCH: Video ng madikit na boss sa kaniyang mga empleyado, certified viral!
Pinag-usapan online ang patok na video ng Bubble Gang na ‘Feeling Close.’
Tampok sa comedy sketch na ito ng gag show sina Paolo Contis, Andrea Torres, Ashley Rivera, Mikael Daez at Archie Alemania.
Matapos ito ma-upload sa YouTube, umabot na sa mahigit 475,000 views ang nakakatawang video na ito ng Kapuso comedy program.
Balikan at alamin kung bakit naging certified viral sa video-sharing site ang naturang sketch.