What's on TV

READ: Bakit naiyak si Chariz Solomon sa press conference ng 'Bubble Gang?'

By Aedrianne Acar
Published November 13, 2017 3:32 PM PHT
Updated November 13, 2017 3:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Naging emosyonal ang Kapuso comedienne sa 22nd anniversary grand presscon ng 'Bubble Gang.' 

 

Naging emosyonal ang Kapuso comedienne na si Chariz Solomon nang magpag-usapan sa 22nd anniversary grand presscon ng Bubble Gang kung gaano kahalaga para sa kaniya ang maging part ng multi-awarded gag show.

Ayon sa StarStruck alumna, ibinigay na niya ang loyalty sa dalawang shows kung saan tumatayong creative director ang comedy genius na si Michael V.

Wika ni Chariz, “Ang loyalty ko talaga binigay ko na po yan sa Bubble Gang tsaka Pepito Manaloto, talagang I’m so sorry po ang Monday at Thursday ko ay taken na po talaga.”

Dito naiyak na ang comedienne na nagsabi na nasa point na siya sa kaniyang showbiz career na satisfied siya na kasama sa mga highly-successful comedy programs ng GMA-7.

“Talagang ay nako ipinaglalaban ko po talaga yan ng bongga, kasi talagang ito po ang aking bread and butter. Kaya wala na akong hihilingin pa.”

“Kaya sobra talagang nagpapasalamat po ako sa buong team ng Bubble Gang, tsaka siyempre kay Kuya Bitoy for trusting me. Sobra! [starts crying] Dito na ako sa point ng career ko na okay na ako kahit ano.”

Newbie Kababol

Ibinahagi naman ni Kim Domingo ang taos-puso niyang pasasalamat na maraming nagbukas na pinto sa kaniya ng mapasama sa Bubble Gang.

“Ako po unang-una malaking pasasalamat ko sa Bubble Gang, kasi ‘yung Bubble Gang po talaga ‘yung nagbigay sa akin ng kumbaga ay big-break. Bubble Gang po ‘yung una kong naging show, tapos after po nung nag-Bubble Gang ako doon po nag-open ‘yung ibang doors para sa akin.”

Isa din sa mga baguhan sa Bubble Gang ang Kapuso sweetheart at commercial model na si Arra San Agustin.

Aminado siya na ramdam niya ang pressure nang mapasama sa multi-awarded gag show.

“Siyempre po napressure po ako nung una kasi mga veterans po ‘yung mga  kasama ko, tapos ako po ‘yung pinakabago po nung time na ‘yun… Pero ‘yung feeling po honored po ako na nakasama, since bata pa po ako at alam ko na po ‘yung Bubble Gang eh.”  

Huwag palagpasin ang pasabog na pagtatahangal ng longest-running gag show na Bubble Gang para sa kanilang 22nd anniversary.

Tutukan ang ‘Parokya Bente Dos: A Laugh story,’ a two-part TV special this coming November 17 and November 24 na yan mga Kapuso!