TV

EXCLUSIVE: Arny Ross aminadong pinipiga sila ng todo sa training para sa anniversary special ng 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Updated On: October 30, 2017, 04:09 PM
“I think pang-fifth time ko na ito sa Bubble Gang sa anniversary and I’m always looking forward sa anniversary kung ano gagawin, kung ano ang pasabog..." - Arny Ross

Looking forward ang sexy actress at dancer na si Arny Ross sa tuwing dumadating ang anniversary special ng longest-running at multi-awarded gag show na Bubble Gang.

WATCH: Andrea Torres, bakit hindi kasama sa men's magazine cover tampok ang 'Bubble Gang' girls?

And this year, tiyak mapapa-wow daw ang mga manonood sa hinahanda nilang pasabog next month, dahil isang bonggang musical play ang matutunghayan ng mga Kapuso.

Kuwento ni Arny sa exclusive interview ng GMANetwork.com, “I think pang-fifth time ko na ito sa Bubble Gang sa anniversary and I’m always looking forward sa anniversary kung ano gagawin, kung ano ang pasabog ng Bubble Gang. Kaya this year ibang klase, kasi musicale play.”

Dagdag niya, “Nakakatuwa kasi lahat kami kakanta, lahat kami sasayaw. So, hindi namin ‘yun madalas ginagawa, kasi lagi lang nagpapatawa sa Bubble Gang. Minsan may mga grupo lang na kakanta, may grupo lang na sasayaw before. Pero this time all together talagang magpe-perform.”

Nakakabilib din daw ang passion ng director at creative team nila sa Bubble Gang para sa effort na ibinibigay nito para sa anniversary special.

Tinitiyak daw ng mga ito na maibibigay nila ang best nila sa bawat performance na kanilang gagawin.

“And theatrical ‘yung dating nung ipapalabas namin sa anniversary and were very lucky na ‘yung directors namin and ‘yung creative team namin for this year’s anniversary are very creative talaga. And sobrang passionate nila na maging maganda talaga ‘yung buong musical play at ilabas na namin ‘yung ka-intensan ng bawat performance.” 

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.