Carrot Man, mapapanood na sa 'Bubble Gang?'
Abangan natin sa darating na Biyernes!
By AEDRIANNE ACAR
Talaga namang wala ng makakapigil sa patuloy na pagsikat ng tinaguriang Igorot Bae na si Jeyrick Sigmaton a.ka. Carrot Man.
Nakilala ang guwapong binata na tubong Mountain Province nang maging viral ang mga photos niya sa social media noong nakaraang Linggo.
Bukod sa kanyang good-looks, maraming netizens ang nakapansin na marami siyang kahawig na local at Asian celebrities.
IN PHOTOS: Sino-sinong artista ang kamukha ni Carrot Man?
Kaya naman pinag-usapan ng mga netizens ang mga larawan na ini-upload ngayong ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya, dahil ‘tila isang sorpresa ang hinahanda ng Bubble Gang team para sa lahat ng fans ni Carrot Man.
Mukhang gagawa ng isang spoof ang high-rating gag show patungkol sa internet sensation at ang mga gaganap bilang Jeyrick ay sina ‘StarStruck’ alum Sef Cadayona, Kapuso actor Dennis Trillo at syempre pa ang Bubble Gang henyo na si Michael V. Matatandaan na isa si Dennis sa mga sinasabi ng mga netizens na kamukha ni Carrot Man.
Spotted Carrot Man hehehe, amazing :) #IMBG20
A photo posted by Alberto "Betong" S. Sumaya, Jr (@amazingbetong) on
Heto na siguro si Carrot Man hehehe, amazing :) #IMBG20
A photo posted by Alberto "Betong" S. Sumaya, Jr (@amazingbetong) on
O baka ito si Carrot Man, nalilito na ako hehehe :) #IMBG20
A photo posted by Alberto "Betong" S. Sumaya, Jr (@amazingbetong) on
MORE ON CARROT MAN:
READ: Jeyrick Sigmaton a.k.a Carrot Man, matindi ang pagnanais na muling makapag-aral
READ: No Girlfriend Since Birth na si Carrot Man, ano ang katangian na hinahanap sa isang babae?