Fun facts about Michael V.'s 'Oh Wow!'
Milyun-milyon Kababol fans ang napa-'last song syndrome' sa viral parody song ng award-winning comedian at content creator na si Michael V. sa longest-running gag show na 'Bubble Gang.'
Matapos mag-premiere ang 'Oh Wow!' nitong July 30 sa Kapuso comedy show, umani na ito ng milyun-mlyon na views across all social media platforms.
Pinuri rin ito ng mga netizen at celebrities, dahil sa makahulugang mensahe ng kanta.
Heto ang ilang fun facts na magpapa-'wow' sa inyo sa trending parody single ni Michael V. DITO.
Michael V.
Patok ang Waste Exclusive performance ng bandang Hilaw nang kantahin nila sa Waste Truck ang 'Oh Wow!'
Dilaw
Ang 'Oh Wow!' ay parody ng OPM smash hit ng Dilaw band na pinamagatang 'Uhaw.' Ilan sa mga pinasikat din nilang kanta ang 'Sansinukob' at 'Janice.' Ang kanta na 'Uhaw (Tayong Lahat)' ay may 83 million streams na sa Spotify.
Interview
Sa eksklusibong panayam ni Michael V. sa '24 Oras', nilinaw niya na ang 'Oh Wow' ay hindi isang 'patama' kundi paalala hindi lang sa mga content creators, kundi pati rin sa kaniya.
Lahad ng Kapuso ace comedian, “I'd like to say it's a reminder. Hindi lang sa kanila (content creators), pati sa sarili ko. Sana maka-inspire tayo ng generation na 'hindi pa puwede, puwede pang pagandahin.'
Facebook Reels
Mega hit ang parody song na ito sa Facebook na may mahigit sa 24.8 million plays matapos ma-upload sa FB Reels. At ang full parody video naman nito ay may 6.3 million views sa Bubble Gang Facebook page.
YouTube Philippines
Naabot ng "Oh Wow!" ang 2nd spot ng trending videos sa YouTube Philippines at may mahigit sa 2.6 million views na rin ito sa video-sharing site as of writing.
The making
Puwede n'yo rin mapanood sa social media pages ng 'Bubble Gang' at YouLOL ang behind-the-scenes kung paano ginawa ang 'Oh Wow'.
At para sa mas entertaining na Sunday night, huwag papahuli sa kulitan ng 'Bubble Gang' na mapapanood sa oras na 6:00 p.m., pagkatapos ng '24 Oras Weekend.'