
Saksakan ng kantahan at tawanan ang mangyayari sa two-part anniversary special ng Bubble Gang ngayong November 17 at November 24.
Pinamagatang “BaliSong BENTENUEBE.” ito ang handog ng longest-running gag show para sa kanilang loyal Ka-Bubble sa pagdiriwang ng kanilang 29th anniversary this month.
Maraming netizens at fans ang excited na sa pasabog na kantahan na mapapanood nila simula ngayong Linggo. Bibida rin sa espesyal na pagtatanghal na ito sina Pinky Amador, Rabiya Mateo, Michael Sager, at the first Ultimate Runner ng Running Man Philippines na si Angel Guardian!
Kaya i-ready na ang inyong vocal cords at maki-jam sa paborito n'yong Bubble Gang barkada ngayong November 17, 6:10 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
RELATED CONTENT: A peek at Bubble Gang's grand BaliSong BENTENUEBE anniversary special