Kim Atienza, inilarawan si Michael V. bilang isang 'icon'
Memorable para sa TiktoClock host na si Kim Atienza ang naging shooting niya sa flagship comedy na Bubble Gang.
Ibinahagi rin ng GMA Integrated News host ang kuha niya sa taping para sa isang special episode ng longest-running gag show, kung saan nakaeksena pa niya ang ace comedian na si Michael V.
Sa Instagram post ni Kuya Kim, tinawag niya na “icon” si Direk Bitoy.
Sabi niya sa caption, “Salamat sa Diyos! Salamat Bitoy! Salamat @bubblegang! Salamat @gmanetwork !
“I am still overwhelmed! Bitoy isa ka talagang icon!”
Nagkomento rin ang multi-awarded comedian sa post ni Kuya Kim. Sabi nito, “Thanks @kuyakim_atienza! I'm sure, clueless ang audience sa gagawin natin!”
Tugon naman ng Kapuso news personality, “bwahahaha oo nga!! See you soon toybits soo proud of our roots :)”
TRIVIA ABOUT KIM ATIENZA:
Ano kaya ang sketch na gagawgin ni Kuya Kim sa Bubble Gang?
Para sa latest update at exclusive content mga Ka-Bubble, please visit GMANetwork.com or i-follow ang official social media pages ng Kapuso Network.