Betong Sumaya, sinabing mas 'exciting' ang content na ilalabas ng 'Bubble Gang' simula July 9
Level up na entertainment at tawanan ang mapapanood n'yo Kakabol simula July 9 dahil ang paborito n'yong Bubble Gang sa Sunday primetime na lilipat!
Walang patid na maghahatid ng good vibes sa atin ang mga magagaling na comedians sa panguguna nina Michael V., Paolo Contis, Chariz Solomon, Analyn Barro, Kokoy de Santos, at Betong Sumaya.
Sasamahan din sila ng mga bago nating Kababol na sina EA Guzman, Buboy Villar, at Cheska Fausto.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Betong, may patikim ito sa mga mangyayari sa well-loved Kapuso gag show sa darating na July 9.
Kuwento ng Sparkle comedian, “Kakaiba guys, dahil dati nagsho-shoot kami sa studio lang. Although studio pa rin ito, may live audience na. 'Yun ang exciting dun at napakadaming mga aabangan na exciting na mga bagong segments, mga bagong characters sa Bubble Gang na kami hanggang ngayon e, inaalam pa rin namin.
“At siguro talagang magugulat na lang kayo sa mga bago n'yo susubaybayan. Iibigin na mga characters, siyempre alam n'yo naman ang Bubble Gang talagang unique yan sa mga ganiyan sketches at kung ano pa ginagawa.”
Kung bibigyan daw ng pagkakataon ang TV host-comedian, may isang karakter daw siya na gusto gawin, dahil miss na miss na raw niya.
Ano kayang role ito?
Lahad niya, “Ang gusto ko talaga gawin, if ever, payagan uli 'yung pagbabalik ni Antonietta as in talaga!
“Tutal napahinga si Antonietta, dahil nag-pandemic at kung ano na ba nangyari sa kaniya. Pero ngayon, napakadami kasi bagong kontrabida na puwede talaga makaeksena ni Antonietta, so feeling ko isa 'yun.”
KILALANIN ANG ILAN SA MALE STARS NA DATING KABABOL: