Chariz Solomon, papalitan si Analyn Barro sa 'What Is the Meaning of This?' ng 'Bubble Gang'?
Subok na sa pagpapatawa ang ating Kababol barkada sa mga viral characters na ginagampanan nila sa award-winning gag show na Bubble Gang.
Ilang beses na rin kayo napahalakhak sa tandem nina Chariz Solomon at Valeen Montenegro sa 'Balitang Ina' bilang sina Mommy Karen at Mommy Vicky?
Tiyak isa rin kayo sa nakyutan sa role ng Sparkle heartthrob na si Kokoy de Santos bilang kikay na Gen-Z na si Olivia sa sketch na 'Bes Friends'.
Pero this time, hinamon naman ang ating mga Bubble Gang stars sa isang fun challenge na gumanap ng ibang characters na pinasikat ng show sa web exclusive video ng YouLOL na 'Imitate the Bubble Gang character'.
Makuha kaya ni Chariz ang sexy vibe ni Analyn Barro sa segment na 'What Is The Meaning of This?'
Magaya naman kaya ni Valeen ang Olivia impression ni Kokoy?
At pasado ba sa inyo mga Kapuso si Kokoy bilang si Mr. Assimo?
Silipin ang nakaka-'GV' na video na ito featuring your favorite Bubble Gang comedians DITO!
BALIKAN ANG ILAN SA VIRAL VIDEOS NG KAPUSO GAG SHOW LAST 2022 DITO: