GMA Logo Bubble Gang
What's on TV

Bubble Gang: Ibandera natin ang kagitingan, Kababol!

By Aedrianne Acar
Published April 12, 2023 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News

Bubble Gang


Siguradong sasabog ang good vibes kasama ang 'Bubble Gang' barkada! Silipin ang fresh episode ng hit gag show ngayong April 14.

Mas nakakaaliw ang simula ng weekend n'yo this Friday night, dahil babandera na ang mga magigiting sa tawanan sa Bubble Gang.

Solid ang paghihintay n'yo sa all-new episode ng award-winning gag show, dahil mapapanood n'yo ang good vibes na hatid sa 'Bes Friends' at 'What is The Meaning of This?'

Bubble Gang episode on April 14

Itotodo rin ng Kababol tropa ang pagpapatawa sa sketches na: 'Pedro Santos,' 'Reserved Parking,' 'Favoritism,' at 'Lisensya.'

Bukod pa diyan, makikisaya rin sa atin ang versatile actor na si Joross Gamboa, pati na rin ang Sparkle stars na sina Mikee Quintos, Buboy Villar, at Angel Guardian!

Kaya tumambay sa inyong mga bahay at tutukan ang funny episode ng Bubble Gang sa oras na 9:40 p.m. ngayong April 14.

Puwede n'yo rin mapanood ang kulitan ng mga Kababol sa Pinoy Hits sa Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.

KILALANIN ANG ILAN SA MAHUHUSAY NA COMEDIANS NA GALING SA BUBBLE GANG: