Kylie Padilla, inaming nagbago ang 'standard' sa pagpili ng susunod na proyekto dahil sa 'Bolera'
Inamin ni Kylie Padilla na mas naging mapili na siya ngayon sa pagtanggap ng bagong proyekto dahil sa Bolera.
Sa media conference ng Bolera, sinabi ni Kylie na nagbago ang "standard" niya matapos na gawin ang sports drama series.
Ang Bolera ang kauna-unahang serye ng aktres matapos na magpahinga sa showbiz ng halos tatlong taon at mag-focus sa dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
"Nag-iba talaga siya. Actually 'yung gano'ng standard na hinahanap ko nag-iba talaga nu'ng nagka-baby na ako kasi ayokong masayang 'yung time na nalalayo ako sa mga anak ko," sabi ni Kylie.
"But because of Bolera, ibang klase 'yung pagdidirek ni Direk [Dominic Zapata] and his photography. The way that he works is very different. Na-appreciate ko lang, mas nagbukas lang 'yung mata ko at pag-iintindi ko sa craft namin na puwede pala 'yun, na ganoong klaseng work na parang pelikula," dagdag niya.
Sa interview, ibinahagi rin ni Kylie na handa na siya ngayong magtrabaho at tumanggap ng mga bagong proyekto.
"It's been a few months nu'ng last taping day namin so I think nakapag-recover na ako from Joni. I think I'm ready to work again. Nag-movie na ako kasama si Gerald, may bagong character na akong ginawa so I think makakapag-move on na ako. Pero noong last taping day nalungkot talaga ako, hindi pa ako ready matapos," sabi niya.
Huwag palampasin ang pagtatapos ng Bolera ngayong Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG PASILIP SA HULING LABAN NINA BOLERA AT COBRADOR DITO: