Jak Roberto
Photo by: jakroberto (IG)
TV

Jak Roberto, excited na mapabilang sa sports drama ng GMA na 'Bolera'

By Aimee Anoc
Updated On: April 11, 2022, 09:16 PM
Kabilang si Jak Roberto sa lead cast ng upcoming series na 'Bolera' kung saan makakasama niya sina Kylie Padilla at Rayver Cruz.

Excited na mapabilang si Jak Roberto sa pinakabagong sports drama ng GMA, ang Bolera.

Ayon kay Jak, ngayon lamang ulit siya mapapanood sa primetime matapos ang 2017 GMA series na Meant To Be.

"Noong unang sinabi sa akin na'Bolera 'yung magiging title akala ko comedy tapos ang character name ko kasi Toypits. Sabi ko sa handler ko, 'Comedy ba 'to kuya?' Tapos sabi niya, 'Hindi heavy drama.' Tungkol daw kasi sa billiards," pagbabahagi ni Jak.

Isa pa sa kinasasabikan ng aktor ay isa itong sports drama. Aniya, "Ngayon na lang ulit magkakaroon ng theme na tungkol sa sports 'di ba, so exciting.

"Though parang madugo kunan niyan kasi game designing. Pero na-excite ako in a way na kasali ako roon and sa primetime siya ipapalabas. After Meant To Be ngayon na lang ulit ako magpa-primetime. Sobrang excited and happy kasi ako 'yung isa sa mga cast."

Sa Bolera, bibigyang buhay ni Jak ang kababata ni Joni na si Pepito "Toypits" Canlas, ang magsisilbing unang manager ni Joni sa pagpasok nito sa mundo ng billiards.

Makakasama ni Jak sa seryeng ito sina Kylie Padilla, Rayver Cruz, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, Al Tantay, at David Remo.

Abangan si Jak sa Bolera soon sa GMA Telebabad.

Samantala, mas kilalanin pa si Sparkle actor Jak Roberto sa gallery na ito:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.