Ipinanganak si Jessa na may diperensya sa mukha. Lumaki siyang kinukutya ng lahat dahil sa kanyang hitsura. Buong buhay niya, pinangarap niyang umibig at ibigin din ng lalaking pagbibigyan niya ng kanyang buong puso. Ngunit alam niyang ito’y mananatiling pangarap na lamang.
Sino ba naman ang iibig sa isang tulad niya? Kung hindi nga siya kayang mahalin ng sariling ina, paano pa siya magagawang ibigin ng iba? Magbabago ang lahat dahil sa isang hiwagang magaganap sa buhay niya.
Dahil sa busilak niyang kalooban, susuklian siya ng isang biyaya – isang BLUSANG ITIM. Sa tuwing ito’y kanyang isusuot ay gaganda ang kanyang anyo. At sa kauna-unahang pagkakataon, gugustuhin niyang silayan ang sarili sa salamin. Ang kanyang bagong anyo ang magiging daan upang makapasok siya sa maningning na mundo ng mga modelo kung saan siya’y titingalain bilang si Jessica.
Ngunit hanggang kailan mananaig ang pagpapanggap? Paano kung mabunyag ang hubad na katotohanan, sa lihim ng Blusang Itim? Abangan ang mga magaganap sa Elena Paton’s Blusang Itim araw-araw simula May 16 pagkatapos ng Eat Bulaga.
Get notified of the latest showbiz news from GMA Entertainment
No ThanksSubscribe
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.