What's on TV

Vivamax star Angeli Khang, bahagi na ng 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published April 14, 2024 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Angeli Khang


Mapapanood na ang Vivamax star at sexy actress na si Angeli Khang sa 'Black Rider.'

Ang sexy actress at Vivamax star na si Angeli Khang ang bagong karakter sa hit full action series na Black Rider.

Gaganap siya dito bilang si Nimfa. Sa isang teaser video na inilibas ng programa, makikita ang karakter ni Angeli na patakbo-takbo at paikot-ikot habang nakasuot ng puting kamison.

Inilarawan din niya ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki: dakila, matigas, at malaki.

Tila lahat ng ito ay mayroon si Elias Guerrero (Ruru Madrid).

Dakila ang hangarin ni Elias sa mga tinutulungan kaya hindi siya naghahanap ng kapalit. Matigas din ang kanyang pangangatawan dahil sa pagtatanggol at pakikipaglaban para sa mga naaapi. Higit as lahat, malaki ang puso ni Elias para sa pamilya at sa ibang tao.

Makiktia rin sa teaser video na hahalikan ni Nimfa si Elias habang pareho silang basa at nakatayo malapit sa isang sapa.

Sino si Nimfa at ano ang papel niya sa buhay ni Elias?

Abangan yan sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals finalist na Black Rider!

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.