jon lucas
TV

Jon Lucas, sa auditions niya noon: 'Tiwala lang talaga'

By Kristian Eric Javier
Muntik nang ma-miss ni Jon Lucas ang audition na nagbigay-daan sa kanya para makapasok sa showbiz. Alamin ang kuwento rito:

Aminado si Black Rider actor na si Jon Lucas na talaga pag-aartista ang pangarap niya, kundi maging isang professional athlete. Ngunit tila para sa kaniya ang pagkakapasok niya sa show business nang matanggap siya sa isang audition.

Kuwento ni Jon sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, napanood lang niya noon sa TV na may nagpapa-audition. Ani ng aktor, tinawagan siya ng kaibigan na gusto rin sanang makapasok sa showbiz para sabay sila pumunta sa venue.

“May kaibigan din po akong aspiring nung panahon na yun, tinawagan ako, sabi, 'Bro, ano audition tayo dito?' Kasi, nangangailangan sila ng ano bagong artista raw."

Dagdag pa ng aktor, nakalagay sa advertisement na napanood niya ay 500 lang ang kailangan kaya napagdesisyunan nilang maagang pumunta kinabukasan.

“Sa isip-isip ko, sige, bago matulog din nanalangin po tayo [na] sana ito na po yun, ito na yung magpapasok dito sa atin sa showbiz,” sabi ni Jon.

Subalit sa halip na makaalis patungong audition nang alas sais ng umaga, nagising daw si Jon ng alas-nuwebe na ng umaga.”

Ilang beses siya umano tinawagan ng kaniyang kaibigan at pinadalhan ng text. Sabi pa umano ng kaniyang kasabay sana ay 600 na ang nakapila sa audition ng 7:30 a.m. Hindi na rin daw siya aabot, lalo na at magco-commute lang siya mula Taytay, Rizal papuntang Quezon City.

Pero hindi raw napanghinaan ng loob si Jon, “Sabi ko, 'Hindi, sige 'wag kayo mag aalala, kapag talagang para sa atin, aabot ako diyan." Pagdating ko po doon, nakarating po ako 12 [noon], saktong 12."

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA HINDI NATANGGAP SA AUDITIONS, PERO NATUTO NG MEANINGFUL LESSONS DITO:

Mahaba na umano ang pila pagdating ni Jon sa venue at pinag-lunch pa muna sila ng marshal bago tumuloy sa auditions. Pero sinabi niyang nag-lunch na siya kaya pinayagan siyang pumasok na sa loob.

Dahil dito, mas naunahan daw ni Jon ang kanyang mga kaibigan sa pila ng audition.

“Pagbalik ng mga tao, naging pang 191 ako. Sabi ko [sa kaibigan ko], 'Ano ka, 256? Bakit ako 191? Naunahan pa kita," pag-alala niya.

Pagpapatuloy ni Jon, “Pinanalangin ko ito bago ako matulog kung talagang para tayo dito, gagawa at gagawa ng paraan ang langit para sa atin.”

Sa huli, si Jon lang ang natanggap mula sa lahat ng nag-audition.

Samantala, nagbigay rin ng mensahe ang aktor sa lahat ng mga nangangarap, “Ang baon ko lang talaga nun ay yung parang tiwala lang talaga.”

“At saka yung iniisip ko na ito yung magpapaaral or makakatulong sa mga magulang ko, ito na 'yun. Yun lang ang laman ng puso't isip ko nung panahon na 'yun. 'Yun lang talaga baon ko, para sa akin 'to, para sa akin ito.” sabi niya.

Pakinggan ang buong interview ni Jon dito:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.