GMA Logo Black Rider
What's on TV

Pinakamalaking eksena sa 'Black Rider,' dapat abangan!

By Kristine Kang
Published March 9, 2024 4:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift named to Songwriters Hall of Fame, second-youngest ever
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News

Black Rider


Isa sa dapat subaybayan ang emosyonal na eksena nina Ruru Madrid at Rio Locsin.

Maraming dapat abangan sa mga susunod na episodes ng action prime series na Black Rider dahil patindi ng patindi ang aksyon at emosyon ng mga eksena.

Aabot na ang istorya sa pagsugod ng Golden Scorpions sa Palangga para hunt-ingin si Elias. Marami rin ang madadamay sa trahedyang dala nila sa komunidad, kasama ang mga mahal sa buhay ni Black Rider.

Isa sa mga dapat abangan ang emosyonal na eksena nina Elias (Ruru Madrid) at ang kaniyang ina na si Alma (Rio Locsin).

Kamakailan, nag-trending ang kanilang behind the scenes dahil sa hindi mapigilang pag-iyak ng beteranang aktres. Mabigat ang emosyon ng eksena kaya nadala si Rio sa naramdaman ng kaniyang karakter kahit tapos na ang kanilang shoot.

@dwr2022 BREAKING NEWS: Just in The heartbreaking story of RIO LOCSIN's emotional unraveling on the set of blackrider is truly heart-wrenching. Video by Ericka Maanio #viralshorts #viralpagereel #fbreelsvideo #fbreels#foryou #viralvideo #trending #trendingvideo #trendingnow #viral ♬ original sound - Daddie Wowie 2022


Dahil lahat ito'y malalaking eksena sa programa, matinding paghahanda at pag-iingat ang ginawa ng production crew sa loob ng apat na araw ng taping nito.

Para masigurong ligtas ang lahat lalo na sa mga aksyon na eksena ng palabas, full-force nakaantabay ang mga Malabon City DRRMO, kapulisan, fire fighters, GMA safety officers, at medics sa set.


Gumawa rin ang team ng makeshift version ng Palangga sa ibabaw ng swimming pool, kung saan kinunan ang underwater sequences ng mga artista.

Para naman sa full-packed fighting scenes, dumaan rin sa matinding training ang mga aktor ng palabas.


Subaybayan ang kapanapanabik na action prime series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.