Kilalanin ang mga paa ng alakdan sa 'Black Rider'
Makikilala na ang iba pang mahahalagang miyembro ng sindikatong Golden Scorpion sa full action series na Black Rider.
Sila ang mga tinaguriang paa ng alakdan na katuwang ni SeƱor Edgardo (Raymond Bagatsing) sa pagpapatakbo ng notorious na sindikato.
Higit sa lahat, sila ang ama ng mga kaibigan ni Calvin (Jon Lucas) na pawang tagapagmana rin ng ilang mahahalagang posisyon sa Golden Scorpion.
Si DJ Durano ay si Bokal, ama ni Timothy (Dustin Yu).
Si Leandro Baldemor naman ay si Tirador, ama ni Pablo (Saviour Ramos).
Nariyan din si Paolo Paraiso na gaganap bilang Diablo na tatay naman ni Mattias (Kim Perez).
Bahagi din ng serye si Gerald Madrid na gaganap bilang tatay ni Uno (Vance Larena) na si Matador.
Mapapanood din si Lander Vera-Perez bilang Palong, tatay naman ni Ivan (Joaquin Manansala).
Bakit lulutang ang mga taong ito? Anong bagong panganib ang hatid ng kanilang bagsik kay Elias (Ruru Madrid)?
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas, at mas kapana-panabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.