GMA Logo DJ Durano, Ruru Madrid and Leandro Baldemor
What's on TV

Parating na ang mga paa ng alakdan sa 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published March 5, 2024 5:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

DJ Durano, Ruru Madrid and Leandro Baldemor


Makikilala na ang mga ama ng Golden Scorpion boys sa 'Black Rider.'

Madaragdagan na naman ng mga kaaway si Elias Guerrero (Ruru Madrid) sa full action series na Black Rider.

Lalamunin ng galit sina Elias at Calvin (Jon Lucas) kaya hindi na sila paaawat sa pangalawa nilang pagtutuos.

Samantala, parating na rin ang tinaguriang mga paa ng alakadan--ang mga ama ng Golden Scorpion boys.

Ano ang bagong panganib na hatid ng kanilang bagsik kay Black Rider?

Abangan sina Paolo Paraiso, DJ Durano, Leandro Baldemor, Lander Vera Perez at Gerald Madrid sa mas lalong lumalalim na kuwento ng Black Rider.

Reunion din ito para kina Ruru, Leandro at DJ na una nang naging co-stars sa adventure-serye na Lolong, ang most-watch television program ng 2022.

Matatandaang si Leandro ang gumanap bilang Raul, ang tatay ng karakter ni Ruru na si Lolong sa serye. Si DJ naman ay si Boss Abet, ang may-ari ng niyugan na pinagtatrabahuhan ni Lolong at taong nagturo sa kanya kung paano lumaban.

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.