Yassi Pressman, nagpasalamat sa suporta ng 'Black Rider' viewers
Patuloy ang pagharurot ng full action series na Black Rider gabi-gabi sa GMA Prime.
Nito lamang February 13, nagtala ang episode ng 13.2 na combined ratings mula sa GMA-7 at GTV. Nasa 36.1 din ang audience share nito na mas mataas kaysa sa 29.0 ng kasabay na programa.
Dahil sa suportang patuloy na natatanggap ng serye, nagpasalamat ang isa sa mga lead stars nitong si Yassi Pressman.
Nagbahagi siya sa Instagram ng isang maikling video mula sa set ng Black Rider kasama ang bida nitong si primetime action hero Ruru Madrid.
"BTS sa taping namin ng #BLACKRIDER!!! maraming maraming salamat po sa sunod sunod na panalo po ng BLACK RIDER dahil po yan sa inyong lahat!
"at sa lahat naman po ng bumubuo ng palabas po namin salamat sa walang sawang sipag ninyo
"tutok na po tayo! 8PM on GMA PRIMETIME!" sulat niya sa caption ng kanyang post.
Noong nakaraang linggo, nangako si Ruru na mas pagbubutihin pa nila ang trabaho bilang pasasalamat sa lahat ng suporta na natatanggap ng serye.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Sa ika-15 linggo ng serye, maho-hostage ang bus na papunta sana sa ukay-ukay seminar sa Baguio. Sakay nito sina Elias (Ruru Madrid), Baen (Yassi Pressman), Mayor Alfonso (Zoren Legaspi) at marami pang iba.
Maibihag din ang asawa ni Mayor Alfonso na si Sasha (Gladys Reyes) na nakasakay sa isang van na naka convoy.
Susugod sa Baguio si Chief Ricarte (Raymart Santiago) para iligtas sila.
Kapit lang sa patuloy na pagharurot ng bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.