Kier Legaspi, masusi ang paghahanda para sa 'Black Rider'
Matapos ang halos limang taon ay nagbabalik sa telebisyon ang action star na si Kier Legaspi sa pamamagitan ng action-drama series na Black Rider. Dahil medyo matagal na nang huling gumawa ang aktor ng proyekto, masusing paghahanda ang ginawa niya para sa kaniyang bagong role.
Sa interview ni Kier sa Updated with Nelson Canlas podcast, ibinahagi ni Kier ang ilan sa mga paghahanda na ginawa niya para sa kaniyang role.
“Unang-una, makikita mo naman sa buhok ko, I make sure na I'm always at my best 'pag nasa harap ako ng camera, I don't play around 'pag umaarte na 'ko, 'pag nasa set na 'ko,” pagbabahagi ng aktor.
Bukod sa kanyang pisikal na anyo, meron pa siyang ibang ginawang paghahanda. Ayon sa aktor, isa sa mga ginagawa niya ay ang mag-research at maghanap ng references para sa character na gagampanan niya.
“Mag-iisip ka ngayon kung ano ba ang gusto ng playwright, ng direktor, so be creative, 'yun ang isang preparation ng isang artista. You really have to think about your character,” pagbabahagi niya.
Dagdag pa ni Kier, tuwing lumalabas siya sa isang bagong project ay ayaw niyang ma-bore ang mga tao habang pinapanood siya.
“I make sure na mae- entertain ko 'yung mga viewers. So, 'pag ganun ang goal ko, na ma-entertain ko ang mga viewers, I make sure na 'pag lumabas ako, may makikita silang bago,” sabi ni Kier.
BALIKAN ANG IBA PANG CAST NG 'BLACK RIDER' SA GALLERY NA ITO:
Pagdating naman sa Black Rider, sinabi ni Kier na naging maganda ang experience niya sa action-drama series at nakitaan niya ng professionalism ang bida nitong si Ruru Madrid, at ang guest star na si Carla Abellana.
“Hindi ko sila nakitaan ng kahit ano mang kaartehan kasi ang mga eksena namin, most of the time, pang madaling araw,” pagbabahagi ni Kier.
Ayon sa aktor, madalas ang mga eksena nila ay kinukunan simula 9:00 to 10:00 p.m. at natatapos ng 3:00 to 4:00 a.m., ngunit walang reklamo ang mga ito.
“I'm proud of them na talagang ginagamapanan nila ng mabuti ' yung mga characters nila at very professional ' yung dalawa,” saad ng aktor.
Pakinggan ang kabuuan ng interview ni Kier sa Update with Nelson Canlas: