GMA Logo Yassi Pressman in Black Rider
What's on TV

Yassi Pressman, mainit na tinanggap sa unang taping day niya sa 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published August 24, 2023 12:51 PM PHT
Updated September 8, 2023 1:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Yassi Pressman in Black Rider


Mainit ang naging pagtanggap kay Yassi Pressman sa unang taping day niya para sa seryeng 'Black Rider.'

Nagsimula nang mag-taping para sa upcoming full action series na Black Rider ang aktres na si Yassi Pressman.

Ilang araw lang ito matapos siyang ianunsiyo bilang leading lady ng bida ng serye na si Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid.

Bago pa man sumabak sa taping, nag-train din si Yassi sa pagsakay ng motorsiklo.

Kaya naman sa unang sabak niya sa set ng Black Rider, mainit siyang tinanggap ng cast at production nito.

Nakatanggap pa si Yassi ng bouquet na agad niyang ibinahagi sa kanyang Instagram account.

Kasama ni Yassi sa ilan sa mga una niyang eksena sina Rio Locsin, Ashley Sarmiento at Matteo Guidicelli.

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Abangan ang Black Rider, soon on GMA Telebabad.