GMA Logo Drew Arellano
What's on TV

Biyahe ni Drew: Tikman ang mga putaheng inihahain tuwing Semana Santa sa Antique

By Ron Lim
Published April 28, 2025 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Drew Arellano


Ang binabak at binakol ay hinahanap ng mga taga-Antique tuwing Semana Santa.

Pagdating sa mga iba't ibang putahe ng bansa, makakaasa ang mga manonood na nasubukan na ito ng Biyahe ni Drew.

Sa kanilang pagbibiyahe ay nasubukan na nila ang mga tipaklong na ginagawang meryenda sa South Cotabato, ang ice cream na lasang bulalo na mabibili mula sa sorbeterong si Cris Soriano sa pamilihang bayan ng Tanuan, Batangas; ang pagkain na gawa sa hubok o langgam na matatagpuan sa Zambales, at ang sinuso ng Bocaue, Bulacan.

Sa kanila namang pagbisita sa Anitque ay nasubukan nila ang binabak at binakol, mga putahe na hinahanap ng mga taga-Antique tuwing Semana Santa. Ang binabak ay gumagamit ng ulang o hipon bilang pangunahing sangkap at meron din itong luya at gata. Umaabot sa 25 minuto ang pagluto nito at kadalasan itong pinapares sa mainit na kanin.

Ang binakol naman ay kadalasang inihahain tuwing Easter Sunday at niluluto ito sa loob ng kawayan na hindi pa tuyo dahil nakadadagdag diumano ang katas nito sa lasa ng binakol. Pinapasok sa kawayan ang buong manok at saka lalagyan ng dahon ng batwan bilang pampaasim. Umaabot ng apat na oras ang pagluto ng binakol. Maaari ring patayin ang apoy kapag nagsimulang matuyo ang kawayan.

Panoorin ang buong video sa ibaba.

Panoorin ang Biyahe ni Drew at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.