Herlene Budol impresses with acting skills in 'Binibining Marikit'
Marami na ang nakakapansin sa improvement ni Herlene Budol pagdating sa pag-arte.
Sa ilang taon pa lang niya sa showbiz, talaga namang nag-upgrade na ang aktres at patunay diyan ang kanyang performance sa Binibining Marikit, ang GMA Afternoon Prime series na kanyang pinagbidahan.
Laganap na rin ang paghanga ng netizens sa acting skills ni Herlene online, kabilang na ang Binibining Marikit viewers sa YouTube.
Komento ng isang netizen, "From magandang dilag to binibining marikit. Grabe na yung acting nya. Madadala ka na din sa pag iyak."
Ganito rin ang reaksyon ng viewer na ito mula Saudi Arabia na nadadala rin sa mga eksena ni Herlene, na gumaganap na Ikit sa Binibining Marikit, kung saan na-love scam ang kanyang karakter.
"Bakit ako naiiyak for ikit hehe. Ang Galing MO talangang mag acting lodi....," papuri ng viewer sa aktres.
Nakakaantig daw ang bawat tagpo sa Binibining Marikit lalo na nang pinalayas si Ikit ng kanyang ama na si Gani (Cris VIllanueva) matapos siyang sisihin sa pagkalaglag ng baby ng kanyang stepmom na ni Rica (Almira Muhlach).
"Ang galing na talaga umarte ni Herlene Budol grabe mapapaiyak ka din sa pagpalayas sa kanya ng ama niya sa kanya. Kudos GMA for this amazing show," sabi ng netizen.
Para naman sa Binibining Marikit fan na ito, nakaka-proud na makitang nag-improve ang acting skills ni Herlene habang nananatili ang pagiging naturalesa nito.
Sabi sa comment, "Grabe yong acting skills ni herlene dito sa teleserye nyang binibining marikit as in super nag improve at napaka natural lahat ang galing pinahanga mo ako award winning talaga bravo. So proud of you."
Sa pagpapatuloy ng kwento ng Binibining Marikit, pupunta si Ikit sa Japan para hanapin ang lalaking nang-scam sa kanya.
Doon din niya makikilala si Mayumi, ginagampanan ni Pokwang, ang bagong karakter sa serye na dapat abangan.
Ano kaya ang tunay na relasyon nina Ikit at Mayumi?
Tutukan 'yan sa Binibining Marikit weekdays, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.