Herlene Budol, language coach din ng leading man niyang si Kevin Dasom
Unti-unti na raw nakakaintindi at nakakapagsalita ng wikang Filipino si Binibining Marikit leading man Kevin Dasom.
Ang kanyang language coach? Walang iba kundi ang kanyang leading lady na si Herlene Budol.
"She's a great teacher," ani ng Thai-Irish actor sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong March 2. "All the words I shouldn't say she taught me first so I know not to say them."
English teacher gayundin ni Herlene ang kanyang foreigner co-star.
"He helps me, too, a lot of things," sabi niya. "I'm good at English na nga e."
Samantala, labis naman ang pasasalamat nina Herlene at Kevin sa mga magagandang komento na nababasa nila online para sa kanilang pagganap sa Binibining Marikit.
Panoorin ang buong ulat sa video sa ibaba.
Mapapanood ang Binibining Marikit weekdays, 4:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
KILALANIN ANG THAI-IRISH ACTOR NA SI KEVIN DASOM SA GALLERY NA ITO.