EXCLUSIVE: Kyline Alcantara, ibinahagi ang sikreto upang hindi malimutan ang karakter niya sa 'Bilangin ang Bituin sa Langit'
Aminado si Kapuso actress Kyline Alcantara na sobra na niyang nami-miss ang kanyang karakter sa Bilangin ang Bituin sa Langit na si Maggie.
Dahil sa umiiral na community quarantine dahil sa banta ng coronavirus, tumigil muna noong Marso ang taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit.
“Ang hirap kasi gumawa ng character, 'yung mannerisms,” kuwento ni Kyline nang makausap ng GMANetwork.com sa pamamagitan ng Skype.
“Kumbaga, 'pag may nakalimutan kang isang mannerism sa character ko, hindi 'yun magiging si Maggie.
“Sinasanay ko pa rin 'yung sarili ko bilang Maggie every now and then kasi mabilis talaga ako makalimot ng character.”
Dagdag pa ni Kyline, nami-miss na niya ang iba pang cast ng Bilangin ang Bituin sa Langit, lalong lalo na ang kanyang love interest sa serye na si Jun, na ginagampanan ni Yasser Marta.
“Noong time na natigil 'yung Bilangin, 'yun pa lang 'yung time na nagiging close ako sa cast, not just with the cast but with the crew,” saad ni Kyline.
“Nami-miss ko talaga 'yung kulitan namin ng art dept.
“Nami-miss ko si Maggie, nami-miss ko 'yung kakulitan ni Maggie, nami-miss ni Maggie si Jun.
“Nami-miss ni Maggie ang lahat.”
Panoorin ang buong panayam ni Kyline Alcantara sa video na ito:
Mapapanood pa rin ang full catch-up episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.
Ang Korean drama na Strong Girl Bong Soon ang pansamantalang napapanood sa timeslot ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime.
IN PHOTOS: Meet the cast of 'Bilangin ang Bituin sa Langit' TV adaptation