TV

WATCH: Zoren Legaspi, nais maging "millennial dad" sa 'Bilangin ang Bituin sa Langit'

By Aaron Brennt Eusebio
Pinaghahandaan na nang husto ni Zoren Legaspi ang kanyang “sexy father role” sa 'Bilangin ang Bituin sa Langit.'

Ready na ang Kapuso actor na si Zoren Legaspi para sa kanyang role sa tv adaptation ng hit '80s movie na Bilangin ang Bituin sa Langit.

Zoren Legaspi
Zoren Legaspi

Gagampanan ni Zoren ang karakter na si Anselmo Santos, na ginampanan noon sa pelikula ni Tirso Cruz III.

"First of all, I have to be physically fit kasi 'yung father role na binibigay sa akin nila, sexy father role," saad ni Zoren sa media conference ng programa noong February 11.

"So I have to be constant in doing physical exercises, ganyan.

"Because recently, when you say the guy is 50 years old, it's not a typical 50 years 30 years ogo na talagang dad bod.

"Nowadays, ang 50 years old looks like a teenager, dressed up like a teenager."

Kuwento pa ni Zoren, gusto niya maging “millennial dad” sa Bilangin ang Bituin sa Langit kaya minsan ay nakikita sa kanyang Instagram account na nanunuod siya ng K-drama o 'di naman ay mayroon siyang bangs.

"Somehow, that's how I'm trying to present sa show ngayon.

“I'm not trying to be a dad like 30 years ago, like it's medyo kung ang tawag nila 'millennial,' may pagka-ganun," ani Zoren.

IN PHOTOS: At the media launch of 'Bilangin ang Bituin sa Langit'

Panoorin ang kanyang interview sa Kapuso Showbiz News na ito:


Abangan si Zoren sa Bilangin ang Bituin sa Langit, na magsisimula na sa February 24 sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Prima Donnas.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.