
Saludo ang highly-respected drama actress na si Bing Loyzaga nang magkaroon ang 'Beautiful Justice' cast ng opportunity na ma-meet nang personal ang ilan sa mga tauhan ng Philippines Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Bing sa pictorial ng action-drama series last August 16, sinabi nito na 'humanga' siya sa devotion ng agents ng PDEA sa kanilang trabaho.
Wika niya, “It's really an honor to meet them kasi siyempre hearing their stories talagang mapapahanga ka talaga.”
“When you hear it straight from horses mouth yung mga ginagawa nila, 'yung mga hinuhuli nila at 'yung mga na-e-encounter nila tapos kung sino 'yung mga nalalagay sa peligro with their families, yung mga death threats napapahanga ako sa kanila. Kasi yung serbisyo binibigay nila sa atin lahat talaga buhay nila binibigay nila, hindi serbisyo lang.”
“Kaya napapasaludo ako sa kanila on their devotion for what is right, their devotion to the Filipino people, their devotion to their work talagang hats off ako sa kanila.”
IN PHOTOS: Things you didn't know about the ladies of 'Beautiful Justice
EXCLUSIVE: 'Beautiful Justice' stars, saludo sa mga sakripisyo ng PDEA officers at agents
Kaya ganun na lang ang pasasalamat ng versatile Kapuso actress na katuwang nila ang drug enforcement agency sa pagbuo ng kuwento ng Beautiful Justice.
Binigyang diin ni Bing na dapat 'makatotohanan' ang mga eksena na mapapanood ng televiewers sa kanilang primetime series.
“We will be portraying them, of course, we owe so much to them I believe that we have to do it right.”
“So it is very flattering, it is really an honor that hands-on sila (PDEA), kasi at least kung ano man ang ipapalabas natin may katotohanan, hindi gawa-gawa. True to life 'di ba base sa istorya nila,”
Justice has never looked this beautiful! Don't miss the exciting premiere of the primetime series Beautiful Justice, soon on GMA Telebabad.