TV

EXCLUSIVE: Victor Neri, tumutulong sa creative team para mas maging makatotohanan ang istorya ng 'Beautiful Justice'

By Aedrianne Acar
Updated On: August 28, 2019, 02:34 PM
Sinigurado ni Victor Neri na convincing ang portrayal ng mga artista na gaganap na law enforcers sa 'Beautiful Justice.'

Mas magiging kapana-panabik ang mga gabi n'yo sa pinakabagong primetime series na Beautiful Justice. Pinangungunahan ng pinakamagagaling at respetadong bituin ng Kapuso Network tulad nina Yasmien Kurdi, Bea Binene at Gabbi Garcia.

Victor Neri
Victor Neri

Beautiful Justice' stars undergo gun training with Victor Neri

Direk Mark Reyes reunites with Yasmien Kurdi, Bea Binene and Gabbi Garcia, in 'Beautiful Justice'

Makakasama rin nila sa drama-action serye ang dalawa sa hottest leading men sa telebisyon na sina Derrick Monasterio at Gil Cuerva.

Tiyak na exciting ang takbo ng kuwento ng Beautiful Justice, dahil sinigurado ng creative team na magiging 'true to life' ang mga eksena sa show at katuwang nila dito ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Malaki rin tulong sa primetime series ang dalang experience ni Victor Neri na sa edad na walang taong gulang ay nagti-train na para sa mga action series.

Sa katunayan, sinisigurado ni Victor na 'convincing' ang portrayal ng mga artista na gaganap na law enforcers sa Beautiful Justice.

Sa panayam niya sa GMANetwork.com, binigyan-diin ng aktor na dapat tutukan ang minor details, kasama na ang salita at kilos ng mga karakter sa project na ito.

Paliwanag niya, "What's very-very important kunwari if you're going to do an action film, military-based or law enforcement based, is to handle the technicalities di ba. From the uniform to language or lingo, to movements iba-iba yan."

"Ang militar, militar. Ang law enforcement, law enforcement. Iba-iba yung pinagdaanan nilang training, hindi dahil nag-training ka sa military, puwede ka na maging law enforcer."

"Iba yung mandato nila, the army is to seek and destroy. The law enforcement is to arrest and investigate. Ibang-iba ang movement, kahit sa hand-to-hand combat, ibang movement.Less lethal kasi kailangan buhay, 'yun 'yung pina-introduce ko dito."

Hindi na rin daw siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role niya sa Beautiful Justice, dahil matagal na siyang naghahanap ng ganitong klaseng show.

Wika ni Victor, "One, action siya. Yun palang nung sinabi sa akin 'Vic meron kaming show sa iyo action. okay na!' Wala ng explanation.

"Kaya ako tumigil from 2007-2015 kasi wala ng action eh, parang na-bore na ako sa drama. Hindi ako excited, hindi 'yun ang tiniraining ko buong buhay.

"Although if you give me drama, I will do my best and perform well."

Dagdag ng action star, "Kasi ang action parang naglalaro lang ako, hindi siya mahirap sa akin."

Sa lawak ng kaalaman at experience ni Victor Neri pagdating sa paggawa ng action films, lagi niyang pinapaalala sa young stars ng Beautiful Justice ang pinakamahalagang elemento ng ganito klaseng project.

Paliwanag ni Victor kailangan nilang maging 'convincing' sa pagganap sa kani-kanilang roles sa TV series.

"The most important in an action series is you have to look the part, dapat very convincing ka. 'Yun lang ang secret diyan, wala nang iba."

"Kasi ang daming technical aspect, may fighting, may firing di ba, may arrest. Ginagawa kasi talaga 'yan at 'yung mga audience natin law enforcer papanoorin 'yan."

"So lahat ng movement is talagang how they move, kailangan nilang isipin hindi ito fantasy-action. Hindi ka puwede gumawa ng sarili mong stunts,"

Justice has never looked this beautiful! Kaya don't miss Beautiful Justice, malapit na sa GMA Telebabad.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.