Beautiful Justice: Nasirang pagkakaibigan nina Brie at Kitkat | Episode 87
Aired (January 7, 2020): Dadaan sa isang matinding pagsubok ang pagkakaibigan nina Brie at Kitkat nang dahil sa krimeng kinasasangkutan ni Charmaine, ang ina ng nauna.
Sa kabila ng mahirap nilang buhay, ALICE VIDA is the perfect wife to her husband RONNIE VIDA, isang PDEA agent, at anak nilang si RONRON VIDA. Dapat sana ay lawyers sina Alice at Ronnie, pero aksidenteng nabuntis ni Ronnie si Alice noong second year nila sa law, kaya napilitan ang dalawa na mag-focus sa kanilang pamilya. This is the same reason kung bakit galit ang in-laws ni Alice sa kanya. Si Alice ang sinisisi nila kung bakit hindi naging lawyer si Ronnie. Alice is now a volunteer sa isang NGO that provides legal aid to prisoners.
Si SABRINA “BRIE” CUEVAS naman ay rich heiress ng isang giant tech company. Sosyal, sophisticated and techie. She’s a social media celebrity and influencer. She’s also a hacker at mahilig mag-train ng iba’t-ibang martial arts. Iniwan si Brie ng mom n’ya noong baby pa lang siya kaya hindi na niya ito nakilala. Her dad becomes workaholic and alcoholic kaya lumaki si Brie na never nakaramdam ng pagmamahal ng magulang. Kaya noong naging boyfriend niya si Lance Decena ay talagang kumapit siya dito. Sobrang saya niya noong ma-engage sila dahil finally magkakaroon na siya ng matagal na niyang pinapangarap na family.
Si KITKAT BERNARDO naman ay galing sa mahirap na pamilya. Lumaki s’ya sa slums kaya street-smart. She works as a beautician sa isang parlor kaya expert siya sa make-up. Panganay siya at only girl sa tatlong magkakapatid. Kayang-kaya niyang makipag-wrestling at rough play with the boys at marunong s’ya ng hand to hand combat dahil tinuturuan sila ng tatay nilang stuntman. Mapagmahal siyang ate sa mga kapatid niya kahit na away-bati sila.
Pero magbabago ang buhay nina Alice, Brie at Kitkat nang masangkot sa isang madugong operation ang mga mahal nila sa buhay na PDEA Agents— Si Ronnie na asawa ni Alice, ang boyfriend ni Brie na si Lance at ang kapatid ni Kitkat na si Dennis, na isa namang informant. Sumabog ang yate kung nasaan sila at ang iba pang PDEA agents during a drug buy-bust operation. Namatay sina Ronnie at Dennis at hindi naman natagpuan ang katawan ni Lance. Devastated sina Alice, Brie at Kitkat. Pero dahil sa trahedyang ito, magkakalapit-lapit silang tatlo at ang ibang naulila. Naniniwala silang dapat mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanilang mga mahal sa buhay.
Unfortunately, sa naging imbestigasyong ng PDEA led by one of its head, TONY BAUTISTA, with the help from the NBI, lumabas na sina Ronnie at ang mga kasamahan niya sa nangyaring operasyon ay involved sa sindikatong ‘di umano’y hinahabol nila. The syndicate planted evidence on them matapos ang pagsabog para pagmukhaing kasamahan sila sa sindikato.
Hindi naman maniniwala si Alice sa inilabas na statement ni Tony sa media. Susubukan niyang kausapin ang mga naulila ng mga fallen agents para linisin ang pangalan ng mga mahal nila sa buhay pero ang iba sa mga ito ay matatakot sa mga hakbang na gustong gawin ni Alice para mag-imbestiga. Ang tanging matitira sa mga naulila na tutulong sa kanya ay sina Kitkat at Brie.
Alice teams up with Brie and Kitkat to further investigate kung ano talaga ang nangyari. In a way, makakabuo sila ng isang mala-vigilante group. Alice leads the group and guides Brie and Kitkat kung paano gamitin ang kanya-kanyang skills and charms sa bawat misyon na gagawin nila. They start to track down the syndicate mula sa pinaka-small time nitong myembro.
Eventually they will be able to infiltrate the BLACK PENTAGON, ang drug syndicate na nasa likod ng pagkamatay nina Ronnie, Lance at Dennis. They will discover that this syndicate is run by a sexy and deadly woman---si MIRANDA. Ang hindi nila alam, si Miranda ay kanang-kamay lamang ng totoong utak ng sindikato na tinatawag nilang “NINANG”.
Makakatulong nina Alice, Brie and Kitkat sa kanilang mga misyon si VIN OCAMPO, a PDEA agent na noong una ay aakalain nilang kalaban, pero turns out ay kakampi pala nila---as Vin is after the same syndicate para linisin din ang pangalan ng kaibigan niyang si Lance.
As they go after the syndicate, they will discover na buhay pa si Lance, and he is actually a member of the Black Pentagon! Nasilaw s’ya noon sa pera na in-offer ng sindikato and has been working as a double agent. Madudurog ang puso ni Brie dahil sa natuklasan. Kasabay ng pag-resurface ni Lance ay ang paglabas ng isang recorded video mula sa spy cam na ginamit noon ng PDEA Agents sa operation sa barge/yatch—naglalaman ito ng tila intimate encounter ni Ronnie with Miranda. Miranda makes a ploy na nagkaroon sila ng affair ni Ronnie and uses it against Alice para pabagsakin ang morale nito. Masasaktan si Alice sa discovery.
Pero sa huli, mananaig ang kagustuhan nina Alice, Brie and Kitkat na alamin ang katotohanan. Along the way ay malalaman ng PDEA ang ginagawa nila and will try to stop them from intermeddling on pursuing a dangerous syndicate. Pero tila hindi na mapipigilan sina Alice, Brie at Kitkat sa pag-alam sa katotohanan. Eventually ay makakatulong din ang tatlong babae sa PDEA— as the agency, especially Tony, do everything to bring justice to his fallen comrades and clean their ranks from corrupt agents to restore the integrity of the agency.
Marami pang maa-uncover na secrets sina Alice, Brie at Kitkat na patuloy na magdadala ng conflicts at dilemma sa kanilang samahan… pati na sa kanilang pagkatao. Paano haharapin nina Alice, Brie at Kitkat ang mga ito? Magbago pa kaya si Lance at tatalikod na sa sindikato? Makakamit pa nga ba nina Alice, Brie at Kitkat ang inaasam nilang… BEAUTIFUL JUSTICE?
Aired (January 7, 2020): Dadaan sa isang matinding pagsubok ang pagkakaibigan nina Brie at Kitkat nang dahil sa krimeng kinasasangkutan ni Charmaine, ang ina ng nauna.