Article Inside Page
Showbiz News
Walang pa ring kakupas-kupas si Gladys Reyes bilang isa sa pinakamahusay na kontrabida sa telebisyon. Kaya sa bagong niyang show sa Kapuso Network na 'Basta Everday Happy' isang masayang Gladys ang makikita ng mga manunuod.

Walang pa ring kakupas-kupas si Gladys Reyes bilang isa sa pinakamahusay na kontrabida sa telebisyon. Kaya sa bagong niyang show sa Kapuso Network na
Basta Everday Happy isang masayang Gladys ang makikita ng mga manunuod malayo sa kanyang role bilang Barakuda sa top-rating Telebabad show na
Kambal Sirena.
Makakasama ni Gladys sa
Basta Everyday Happy sina Celebrity Chef Boy Logro, award winning actress Alessandra de Rossi at former VJ Donita Rose. Sa interview ng
GMANetwork.com, sinabi ni Gladys na excited na siyang makatrabaho ang kanyang mga co-host, “Excited ako to work with all of them dahil alam ko masaya 'tong show na 'to at katulad nga ng show namin, talagang dapat maging happy everyday.”
Dagdag pa niya, hindi maprepredict ng mga manunuod kung anong topic ang pag-uusapan nila and they will look forward sa every episode nang
Basta Every Day Happy.
For example, maaring ma-tackle nila sa show ang love and relationship, mga easy to prepare meals or makikita nilang humataw sa dance floor si Chef Boy na talagang dapat tutukan ng mga televiewers araw-araw.
“Sari-saring putahe ang ihahain namin sa kanila, pero sisiguraduhin naming kumpletos rekados para mabigyan natin kasiyahan ang ating mga audience” dagdag niya.
Abangan si Gladys sa
Basta Everyday Happy Mondays-Fridays, bago ang
The Ryzza Mae Show simula sa May 12. Mapapanood din si Gladys sa primetime series na
Kambal Sirena. For the latest news on Gladys Reyes and other Kapuso stars, visit
GMANetwork.com.
--Text by Aedrianne D. Acar, Photo by Bochic Estrada