Liezel Lopez, nasaktan nga ba sa sabunutan nila ni Pauline Mendoza sa water fountain?
Tumatak sa memorya ng televiewers ng afternoon soap na Babawiin Ko Ang Lahat ang matitinding fight scenes sa pagitan ng characters nina Pauline Mendoza at Liezel Lopez.
Isa na dito ay nang magpang-abot sina Iris (Pauline Mendoza) at Trina (Liezel Lopez) malapit sa isang water fountain.
Sa panayam ng GMANetwork.com kina Pauline at Liezel sa media conference via Zoom na idinaos ng Corporate Communications Department ngayong hapon, May 14, para sa finale ng afternoon soap, naikuwento ng dalawa kung paano nila ginawa ang naturang eksena last year.
Ayon kay Pauline, malaking tulong na kumportable siya sa kanyang co-actor.
Wika niya, “Actually, it's my first time working with Liezel on a show, pero nakakasama ko na siya before sa mga workshops, so naging ka-match ko siya.
“So working with Liezel noon pa sa workshop, nakita ko na 'yung kakayahan niya as an actress, hindi siya masyado actually naging mahirap for both of us, 'di ba Liezel?
“I think it's important bilang actress na you get comfortable with your co-actors, so 'yun 'yung nangyari sa amin ni Liezel like naging comfortable kami sa isa't isa.”
Dagdag niya, “Ayun, naiintindihan namin 'yung craft namin na hindi naman kami nag-clash and si Liezel, working with her, she's very professional, at the same time, she's very dedicated to her craft, so hindi talaga ako nahirapan, hindi naman siya napikon.”
Pabirong tanong ni Pauline, “Napikon ka ba, Liezel?”
Source: GMA Network
Sumagot naman si Liezel at sinabi na madaling katrabaho ang tulad ni Pauline noong nag-lock in taping sila for Babawiin Ko Ang Lahat.
Aniya, “No! Actually, for me sobrang dali talaga na makatrabaho si Pau. It's really easy to work with her at saka napag-uusapan namin ang gagawin namin before the day and siyempre may guidance ang aming director na si Direk Jules Katanyag.
“So, it's very easy lang. Nahirapan lang ako 'yung nainom ko 'yung tubig [laughs].
“Hindi ko na nakikita kung ano na ang nangyayari, sobrang mukha siyang totoo, pero in reality wala naman nasaktan sa atin.”
Sundan ang huling linggo ng Babawiin Ko Ang Lahat, Monday to Friday, pagkatapos ng Karelasyon sa nangungunang GMA Afternoon Prime.
Muling balikan ang best memories ng buong cast sa naging lock-in taping nila last year sa gallery below: