Therese Malvar
TV

Award-winning actress Therese Malvar, bakit mas gusto ang dating setup ng shooting bago ang pandemic?

By Aedrianne Acar
Dating nanalo bilang Best Supporting Actress si Therese Malvar sa 2018 Cinemalaya. Bakit kaya nasabi ng award-winning teen star na hirap siya sa lock-in taping environment?

Maka-ilang ulit na pinatunayan ng Babawiin Ko Ang Lahat star na si Therese Malvar na isa siya sa pinakamagaling na artista ng kanyang henerasyon.

Matatandaan na inuwi noon ni Therese ang Best Supporting Actress Award sa 2018 Cinemalaya.

Nang sumunod na taon, nasungkit niya ang back-to-back awards sa Laguna Excellence Awards at 17th Gawad Tanglaw Awards.

Last year naman, itinanghal si Therese na Best Young Actress para sa drama film na 'Distance' sa 7th Urduja Heritage Film Awards 2020.

Source: theresemalvar IG


Ngayong maraming pagbabago sa mundo ng showbiz dulot ng COVID-19 pandemic at kinailangan mag-adjust ng TV networks para maprotektahan ang mga artista at crew, tinanong ng GMANetwork.com si Therese kung kumusta ang lock-in taping experience niya sa Babawiin Ko Ang Lahat.

Bago matapos ang 2020, sumabak sa month-long taping ang buong cast ng Afternoon Prime soap na pinagbibidahan nina Pauline Mendoza, Carmina Villarroel, John Estrada, at Tanya Garcia-Lapid.

Kuwento ni Therese sa panayam sa kanya ng GMANetwork.com, hindi madali para sa kanya ang lock-in taping.

Pagbabalik-tanaw niya, “I think for me mas gusto ko na umuuwi ako, kasi in a way 'yung lock-in taping, 'yung flow niya para siyang pelikula na the first sequence is week one, the second sequence would be week 10.

“So light ka dito and then the next heavy.

“Pero ganoon na siya sa pelikula.”

Dagdag niya na gusto niya makawala sa karakter na ginagampanan niya mapa-TV o pelikula, dahil magiging mahirap sa kanya kapag masyado siya na-attach sa isang role.

Paliwanag niya, “Gusto ko ma-off 'yung character ko, kasi 'pag ako na-attach, ang hirap na [makawala], nahihirapan ako.

“That is why I would like to go home, kasi it's my “sanity area,” my family. They keep me sane, I need people talaga.

“In terms of creating a character sketch, it would work for some na isang buong month ikaw lang, buoin mo 'yung character mo. It wouldn't work for me talaga, mababaliw po talaga ako, as in.”

Nakakapagod din daw sumabak sa lock-in taping, kaya mas maganda sa tingin niya ang dating sistema bago magka-pandemya na may break sila sa shooting.

“And it's really tiring kasi hindi lang one week 'yung papalit-palit ka ng sequences, on and off na heavy-light. It's a whole month or three months, unlike films na eight days, twelve days lang. At bumabalik pa at umuuwi ng bahay ganun. For me I would prefer na to go back to regular shooting.”

Para naman sa co-star ni Therese sa Babawiin Ko Ang Lahat na si Kristoffer Martin, mas gusto niya ang current setup sa mga soap ngayon.

Paglalahad ni Kristoffer na mas mabuti na tuloy-tuloy ang taping nila sa isang serye, para hindi na makabitaw sa role na ginagampanan ang isang aktor.

Paliwanag niya, “Mas nakita ko kasi 'yung difference, mas okay sa akin 'yung lock-in. Kasi hindi ka na makakabitaw sa character, like 'yung tulog lang 'tapos kargado ka uli.

“Sakit ko kasi minsan na 'pag bumitaw ang hirap bumalik, e. Before kasi, every other day 'yung taping.

“Kung tatanungin ako in terms of work, kung ano mas nagwo-work sa akin, lock-in. Ang bukod tanging kalaban naman diyan is yung anxiety, kasi naka-lock in talaga kayo. Tapos ang layo pa namin, 'yun lang 'yung pinaka-battle non talaga.

“So for me, mas nagwo-work sa akin 'yung lock-in, kasi consistent e, hindi ka talaga bibitaw.”

Kamakailan lang, umamin ang Kapuso actor na isa na siyang ama sa isang four-year-old girl na si Precious Christine or Prè.

Silipin ang buhay lock-in taping ng Babawiin Ko Ang Lahat cast sa Batangas.

EXCLUSIVE: Carmina Villarroel, aminadong naiyak nang mawalay sa pamilya nang sumabak sa lock-in taping

GMA brings together a powerful cast for upcoming drama series 'Babawiin Ko Ang Lahat'

Tanya Garcia, sa dating on-screen partner na si Dingdong Dantes, "Magiging crush mo rin, e."

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.