At the press conference of GMA Prime's 'Asawa Ng Asawa Ko'
Humarap sa mga miyembro ng press ang mga bida ng upcoming GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko na sina Jasmine Curtis-Smith, Rayver Cruz, at Liezel Lopez.
Ang Asawa Ng Asawa Ko ay ang kauna-unahang programa na pagtatambalan nina Jasmine at Rayver.
"It's been really fun na makasama si Rayver as a cast mate, as a leading man,lalo na kapag may mga mabibigat na eksena, and pagkatapos ng eksenang 'yun, napakadaling mag-bounce back," saad ni Jasmine.
Kasama rin nina Jasmine, Rayver, at Liezel sa programa sina Martin Del Rosario, Joem Bascon, Kim De Leon, Luis Hontiveros, Patricia Coma, Crystal Paras, Jennifer Maravilla, Gina Alajar, Quinn Carillo, at Mariz Ricketts.
Balikan kung anong nangyari sa press conference ng 'Asawa Ng Asawa Ko' sa mga larawang ito.
Asawa Ng Asawa Ko
Nagkaroon ng grand media conference ang upcoming show ng GMA Prime na 'Asawa Ng Asawa Ko' sa Harold's Evotel sa Quezon City.
Performance
Bago magsimula ang press conference, pinamalas ng mga bituin ng 'Asawa Ng Asawa Ko' sa isang maikling performance ang kanilang galing. Dito rin nila pinakilala ang kani-kanilang karakter na gagampanan.
Jasmine Curtis-Smith
Bibida sa 'Asawa Ng Asawa Ko' si Jasmine Curtis-Smith bilang si Cristy, ang orihinal na asawa ni Jordan. "Ang pinaka-take away ko dito [sa 'Asawa Ng Asawa Ko'] is napaka-complex ng buhay kahit tama ang sa tingin mong gagawin mo," saad ni Jasmine.
Rayver Cruz
Si Rayver ang gaganap na Jordan na may dalawang legal na asawa. Unang asawa ni Jordan si Cristy ngunit matapos itong ideklara bilang patay na, pinakasalanniya si Shaira (Liezel Lopez).
Liezel Lopez
Gagampanan ni Liezel ang pangalawang asawa ni Jordan na si Shaira. Kahit bumalik si Cristy sa buhay ni Jordan, ipaglalaban pa rin ni Shaira ang kanyang asawa. Sa totoong buhay kaya, anu-ano ang kayang gawin ni Liezel para sa pag-ibig? Sagot ni Liezel "Everything, pero 'yung legal lang po, 'wag 'yung makukulong tayo."
Martin Del Rosario
Kasama rin sa 'Asawa Ng Asawa Ko' si Martin Del Rosario bilang si Jeff, ang nakababatang kapatid ni Jordan. Magkatambal ang mga karakter nina Liezel at Martin sa 'Voltes V: Legacy' pero kakaibgang karakter ang gagampanan nila sa 'Asawa Ng Asawa Ko.' Paliwanag ni Martin, "Kapatid ko si Jordan pero love ko si Shaira. Mabait si Jeff but alam mo naman, the things you do for love, sometimes napupunta ka sa maling desisyon."
Joem Bascon
Si Joem ang gaganap bilang Leon, ang leader ng KALASAG na dudukot kay Cristy. Paano kaya tatanggapin ni Joem ang mga maiinis kay Leon sa social media? "Walang social media. As an actor, I find it happy kapag may naasar, I find it happy na may natutuwa, 'pag may na-i-inlove. 'Pag nagawa ko 'yun, I did a very good job," saad ni Joem.
Kzhoebe Nichole Baker
Ang child star na si Kzhoebe Nichole Baker ang gaganap na Tori, ang anak nina Cristy at Jordan pero si Shaira ang kikilalanin niyang ina.
Luis Hontiveros
Parte rin ng KALASAG si Luis Hontiveros bilang si Alakdan. "It was a good challenge, 'yung mga fight scene namin na nangyayari sa putikan," kuwento ni Luis.
Patricia Coma
Gagampanan ni Patricia Coma si Pusa na miyembro rin ng KALASAG. Kuwento ni Patricia, isa sa di nya malilimutan sa shooting ng kanilang programa ay noong may isang ahas na biglang pumasok sa kanilang tent habang kumakain sila.
Jennifer Maravilla
Aminado ang aktres na si Jennifer Maravilla na nahirapan siya sa fight scenes na ginawa niya bilang miyembro ng KALASAG na si Sawa.
Gina Alajar
Sinabi ng batikang aktres na si Gina Alajar na natutuwa siya dahil pinagkakatiwalaan siya ng direktor nilang si Laurice Guillen bilang ang ina ni Jordan na si Carmen.
Mariz Ricketts
Kabilang din sa grupong KALASAG ang aktres na si Mariz Ricketts bilang si Pusit, ang nanay-nanayan ng grupo.
Sa Akin Siya
Bago magsimula ang press conference, inawit nina Jennifer Maravilla at Crystal Paras ang 'Sa Akin Siya,' ang official soundtrack ng 'Asawa Ng Asawa Ko.'
Tale of two wives
Iikot ang istorya ng 'Asawa Ng Asawa Ko' sa dalawang legitimate na asawa ni Jordan na sina Cristy at Shaira.
Two mothers, one daughter
Si Cristy ang biological mother ni Tori pero sa piling ni Shaira siya lalaki. Sino kaya ang pipiliin niya sa dalawa?
Laurice Guillen
Nasa ilalim ng direksyon ni Laurice Guillen ang 'Asawa Ng Asawa Ko.' "Hindi siya 'yung usual kaliwaan story," ani Direk Laurice.
Reaction
Tinutukan nina Jasmine, Joem, at Rayver ang AVP na pinalabas sa presscon ng 'Asawa Ng Asawa Ko.'
Martin Javier
Ang GMA resident sports anchor at game changer na si Martin Javier ang nag-host ng press conference ng 'Asawa Ng Asawa Ko.'
GMA Prime
Abangan ang 'Asawa Ng Asawa Ko,' Lunes hanggang Huwebes, 9:35 P.M. sa GMA Prime simula January 15.