asawa ng asawa ko
TV

HULA WHO: Aktres, mapapanood na rin sa 'Asawa Ng Asawa Ko!'

By Aaron Brennt Eusebio
Sino kaya ang "jewel ng primetime" na mapapanood sa 'Asawa Ng Asawa Ko?'

Isang aktres ang mapapanood sa GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko na pinagbibidahan nina Jasmine Curtis-Smith, Rayver Cruz, Liezel Lopez, at Joem Bascon.

Bilang surpresa sa 100th episode ng Asawa Ng Asawa Ko na mapapanood mamayang 9:35 p.m. sa GMA Prime, nagbigay ng clue kung sinong aktres ang mapapanood sa mga susunod na linggo.

"May darating na JEWEL NG PRIMETIME sa bisyo ng bayan gabi-gabi! Abangan!" patikim sa Facebook ng GMA Network.

Sino kaya itong aktres na ito? Ano ang magiging papel niya sa buhay nina Cristy (Jasmine), Jordan (Rayver), Shaira (Liezel Lopez), at Leon (Joem Bascon)?

Patuloy na panoorin ang Asawa Ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood rin ito sa GTV tuwing 11:25 p.m.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.