sources: rayvercruz/IG and jascurtissmith/IG
TV

Jasmine Curtis-Smith at Rayver Cruz, sumabak na sa gun handling training

By Kristian Eric Javier
Updated On: January 8, 2024, 07:53 PM
Masaya at exciting ang paglalarawan nina Jasmine Curtis-Smith at Rayver Cruz ng kanilang combat training.

Naghahanda na para sa kanilang maaksyong serye ang Kapuso stars na sina Jasmine Curtis-Smith at Rayver Cruz na sumabak na sa gun handling at technicalities training.

Sa interview ng dalawa kay Lhar Santiago sa "Chika Minute" para sa 24 Oras, nagkuwento sina Jasmine at Rayver kung gaano sila kasaya at ka-excited sa ginagawa nilang combat and gun training.

“Masaya, masaya. Mataas ang energy ng lahat and I think excited ang lahat matuto ng baril and ng different technicalities,” sabi ni Jasmine.

Para naman kay Rayver, na first time sa gun training, “Ano siya e, bago ulit siya e, I mean for the most of us. Ang saya saya na may ganitong training. Makikita mo pa lang sa training na nakaka-excite 'yung show.”

Dagdag pa ng aktor, “Bago 'to for me kaya ang saya na kasali ako dito sa training and ibig sabihin maaksyon 'yung mga mangyayari.”

Samantala, dahil sa kanyang role sa Philippine adaptation ng Korean series na Descendant's of the Sun (DOTS) ay hindi na bago ang ginawa nilang paghahanda para kay Jasmine.

Ayon dito, “Doon (sa DOTS), mas military based 'yung training na binigay sa'min. Here, it's technical pero also dahil iba rin naman ang kwento dito, hindi siya sundalo talaga.”

Nasabi rin ng aktres na maganda ang matuto ng iba't-ibang skills sa paghawak ng baril.

Pero bukod sa combat training at sa bagong serye, pinaghahandaan din ng dalawa ang nalalapit na GMA Gala night at ready na rin mag-fit ng kanilang mga susuotin para sa naturang event.

Ayon kay Jasmine, ang susuotin daw niya, “May pagka-blue na silver na metal so good luck figuring it out kasi ako mismo, pagka inaaninagan siya ng konting ilaw, nag-iiba siya from blue to silver.”

Samantalang si Rayver, sinabing hiniling niya sa kanyang team na sorpresahin siya ng mga ito ng hindi pa niya nasusuot dati.

Panoorin ang buong interview sa itaas:

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILAN SA MGA STYLISH LOOKS NI JASMINE SA GALLERY NA ITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.