
Dahil sensitibo ang tema ng kanilang upcoming serye, dumaan sa ilang workshops sina Asawa Ko, Karibal Ko stars Kris Bernal, Thea Tolentino at Rayver Cruz.
First time magkakatrabaho ng tatlo, kaya sobrang excited si Kris dahil crush na crush niya noong high school si Rayver.
"As in pinapanood ko siya lagi, tapos ini-stalk ko siya. Ganoon kalala! As in crush ko talaga siya noon. Oh my gosh, hindi niya alam 'yan," pahayag ni Kris.
"Hindi ko akalain na shucks, makakatrabaho ko na siya," dagdag pa niya.
Agad naman naging "chummy" si Thea kay Rayver.
"Kuwela na parang welcoming 'yung feeling niya para sa mga tao. Kahit first time naming mag-meet parang pwede na agad na chummy-chummy," paglalarawan niya sa co-star.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras: