Si Jane ay isang mabait, matalino, at mapagmahal na anak ngunit magbabago ang kanyang buhay dahil masasangkot siya sa isang eskandalo dahil sa maling pag-ibig.
Si Klaire ay isang matapang na babae, wala siyang inaatrasan. Lahat ay kaya niyang gawin para sa taong kanyang pinakamamahal.
Guwapo at maginoo ngunit nawalan ng direksyon ang buhay nang mamatay ang kanyang nobya. Palagi siyang kinukumpara sa kanyang kapatid pero magbabago ang kanyang buhay sa pagdating ni Jane.
Si Elijah ang ideal son na kapatid ni Noah. Manager siya ng resort na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Mapapaibig siya sa ganda at alindog ni Carmen.
Si Sarah ang mabuting ina nina Noah at Elijah Borromeo. May-ari ng resort pero hindi matapobre. Ang tanging ikinagagalit niya lamang ay ang makakilala ng isang kabit.
Si Rose ang mapagmahal na ina ni Jane at minsan ay tila barkada lang ang kanilang turingan. Second wife na siya ng ama ni Jane pero siya ang pinili nito bago ito mamatay.
Longtime partner ni Klaire; dati siyang abogado pero nawalan ng lisensya dahil sa unethical practices. Sugarol at laging nawawalan ng pera kaya umaasa lamang siya kay Klaire.
Si Tanya ang loyal bestfriend ni Jane na manager din ng resort.
Si Alfred ang asawa ni Klaire. Ang CEO ng G&M, isang accounting firm na itinayo ng kanyang mga magulang.
Ang kaibigan ni Rose at katuwang sa negosyo.
Isang mabait at talentadong bartender sa resort ng Pamilya Borromeo.
Ang maldita at loyal na assistant ni Carmen.
Matalinong abogado na kaibigan ng pamilya nina Jane.