Klea Pineda, unang beses magiging kontrabida sa 'AraBella'
Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi na ang Kapuso actress na si Klea Pineda ang mang-aapi dahil simula sa Lunes, March 6, gaganap si Klea bilang kontrabida sa upcoming GMA Afternoon Prime series na AraBella.
Ayon kay Klea, nanibago siya nang gampanan niya ang karakter ni Gwen na magpapahirap sa buhay ng mag-iinang Roselle (Camille Prats), Ara (Shayne Sava), at Bella (Althea Ablan).
"Sobrang naninibago siya kasi parang first time, ito 'yung pinaka-first time ko na nag-portray ako ng kontrabida role," saad ni Klea sa panayam ng internal GMA press.
"For the longest time, right after StarStruck, even sa StarStruck, lahat ng nabibigay sa akin na roles talaga is 'yung, ako 'yung inaapi. Ako 'yung umiiyak, ako 'yung masama 'yung loob."
Si Klea ang itinanghal na Ultimate Female Survivor sa StarStruck Season 6 noong 2015. Si Migo Adecer naman ang itinanghal na Ultimate Male Survivor.
Pagpapatuloy ni Klea, "But then, nung in-offer sa akin 'tong AraBella, talagang nag-isip ako ng, 'Ha? Kaya ko ba? Kaya ko ba talagang ako 'yung manampal? Ako 'yung gumawa nung conflict? Ako 'yung gumawa ng problema sa lahat ng characters, na ako 'yung gugulo sa buhay nila?'
"Pero, grateful din ako kasi nagkaroon ako ng chance na maka-portray ng character na out of the box, out of my comfort zone, kaya natutuwa ako na tinanggap ko 'to na nabigay rin siya sa akin, itong role na 'to, kasi nakitaan rin siguro ako ng potential na pagiging kontrabida sa Bolera."
Bago ang AraBella, napanood si Klea bilang si Golden Eye sa sports drama series na Bolera.
"Ang daming natuwa, surprisingly, ang daming natuwa sa social media, ang daming nainis, ang daming napikon. So, for sure, pag napanood nila tong AraBella, baka bigla na lang ako sampalin ng mga nanay or lola sa daan," dagdag ni Klea.
Panoorin ang world premiere ng pinakabagong family drama ng GMA Afternoon Prime na AraBella simula March 6, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Abot-Kamay na Pangarap.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG SEXIEST PHOTOS NI KLEA SA GALLERY NA ITO: