
Live na makikipagkuwentuhan at makikisaya ang ilang cast ng upcoming GMA Afternoon Prime series na AraBella sa Kapuso ArtisTambayan.
Makikipagkulitan sina Shayne Sava, Althea Ablan, Abdul Raman, at Saviour Ramos kay Betong Sumaya mamayang 5:00 p.m. sa official Facebook page ng GMA Network.
Para sa mga manonood, maaaring makapagtanong kina Shayne, Althea, Abdul, at Saviour sa pagko-comment sa Facebook page ng GMA Network.
Please inset: Attached image
Huwag palampasin ang world premiere ng AraBella simula March 6 sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Abot-Kamay na Pangarap.
Bukod sa kanilang apat, tampok din sa AraBella sina Camille Prats, Wendell Ramos, Alfred Vargas, Klea Pineda, at Faye Lorenzo.