Ulila sa ama at hindi na nakilala ang tunay niyang ina. Nang marinig ang panawagan ni Roselle sa TV, aasa na baka siya na ang nawawala niyang nanay. Siya ang magiging kaagaw ni Bella sa atensyon at pagmamahal ni Roselle.
Maagang mamumulat sa mundong matira ang matibay kaya handa siyang makipagbardagulan kahit kanino. Ang mag-asawang scammer na sina Lola Madonna at Lolo Hadji ang nakalakihan niyang mga magulang.
Ang nangungulilang ina. Likas na mapagmahal kaya naman magiging magaan agad ang loob niya kay Ara, na nananabik din sa kalinga ng ina. Ngunit mahahati ang puso niya sa pagdating ni Bella.
Guwapo at mayaman. Siya ang magsisilbing lakas ni Roselle sa lahat ng kanyang pagdadaanan. Mahal na mahal niya ang kaibigan at handa siyang maghintay upang ipagtapat ang tunay niyang nararamdaman, ngunit masisira ang diskarte niya sa pagdating ni Ariel.
Ang mabait na kapitbahay. Tutulungan niya si Ara na makatakas sa malupit niyang ate at puntahan ang inaakala niyang ina na si Roselle. Siya rin ang pagseselosan ni Gary.
Ang doble karang stepmom. Mabait at supportive, ngunit sa likod ng pagtulong ay may planong pabagsakin at sirain ang buhay ni Roselle. Gahaman sa pera, kaya hindi siya titigil hangga’t hindi nakukuha ang naiwang mana ng nasirang asawa.
Ang best friend ni Ara na may lihim na pagtingin sa kanya.
Ang asawa ni Lolo Hadji na kapwa niyang con artist. Kukupkopin nila si Bella para gamitin sa mga illegal na gawain nila.
Ang asawa ni Lola Madonna na kapwa niyang con artists. Kukupkopin nila si Bella para gamitin sa mga illegal na gawain nila.
Ang BFF ni Gwen.
Ang totoong apo nina Lolo Hadji at Lola Madonna na pasimuno ng mga scam.
Nagsimula bilang accomplice ni Bella sa mga masamang plano niya kay Ara. Ngunit sa katagalan ay mag-iiba ang ihip ng hangin dahil ang dating kontrabida ay magkakagusto sa babaeng inaaway at inaapi niya.
Ang tiyahin ni Ariel.
Ang BFF at matalik na kaibigan ni Ara.