
Nagulat at namangha ang aktres na si Camille Prats nang mabalita ang nangyari sa isang matandang babae na taga Ecuador kaparehas ng nangyari sa kaniyang karakter sa GMA Afternoon Prime series na AraBella na si Roselle.
Sa AraBella, inilibing nang buhay si Roselle ng stepmother niyang si Gwen, ang karakter na ginagampanan ni Klea Pineda. Lingid sa kaalaman ng mga tao, buhay pa si Roselle at humihinga pa siya sa loob ng kabaong.
Sa kabutihang palad, hinukay ng matalik niyang kaibigang si Gary (Wendell Ramos) ang kaniyang libingan, at isinugod sa ospital para magpagaling.
Noong June 12, naibalita na isang babae na taga Ecuador ang bumangon mula sa kaniyang kabaong dalawang araw matapos siyang ideklarang patay na ng isang ospital.
Sa Twitter, nagulat at namangha tuloy si Camille dahil nangyari sa totoong buhay ang nangyari sa karakter niya sa AraBella.
Tweet niya, "Hala! Puwede pala talaga 'yung nanyari kay Roselle! #ArabellaonGMA."
Hala! Pwede pala talaga yung nanyari kay Roselle! 😱😱😱 #ArabellaonGMA https://t.co/by9XE5NNoF
-- Camille Prats Yambao (@CamillePrats) June 14, 2023
Sa AraBella, patuloy nang bumalik si Roselle sa buhay ng kaniyang mga anak na sina Ara (Shayne Sava) at Bella (Althea Ablan).
Abangan ang huling anim na araw ng AraBella, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap.
SAMANTALA, BALIKAN ANG KARERA NI CAMILLE SA SHOWBIZ SA NAGDAANG TATLONG DEKADA SA MGA LARAWANG ITO: